^

Punto Mo

Promotion na walang kasamang dagdag sa suweldo, puwede ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po ba na may promotion pero walang kasamang salary increase? — Rina

Dear Rina,

Wala namang nilalabag na batas ang employer kung mag-alok ito ng promotion ng walang kaakibat na salary increase.

Ang promotion, ayon sa Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. v. Del Villar (G.R. No. 163091, 6 October 2010), ay ang pagsulong papunta sa isang panibagong posisyon na may mas malawak na mga responsibilidad at tungkulin kaysa sa dati.

Ayon din sa kaso ng NAFLU vs. NLRC (G.R. No. 90739, 3 October 1991), hindi kailangang may kasamang pagtaas sa sahod ang promotion; ang mahalaga ay ang mga pagbabago sa tungkulin ng empleyado.

Hindi naman ibig sabihin na walang choice ang empleyado sa alok na promotion ng walang dagdag sa sahod. May  karapatan ang empleyado na tumanggi kung ayaw niyang ma-promote mula sa kanyang kasalukuyang posisyon (Echo 2000 Commercial Corporation v. Obrero Filipino Echo 2000 Chapter-CLO, G.R. No. 214092, 11 January 2016).

Ang mahalaga lang ay dapat na malinaw muna kung promotion nga ba ang pinag-uusapan.

Kailangang siguraduhin  munang promotion nga ang iniialok bago  ito tanggihan. Kung wala namang pagbabago sa  mga tungkulin at pangalan lamang ng posisyon ng naiba ay maaring sabihin na pangkaraniwang transfer lamang ito at hindi promosyon.

Kung transfer lamang kasi pala at hindi ito sinunod ay maari itong matawag na insubordination na puwedeng ikatanggal sa trabaho ng isang empleyado.

SALARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with