^

Punto Mo

PNP, ibibigay sa mga Pinoy ang best public service! — Marbil

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINIKAYAT ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang 232,000 kapulisan na ibigay sa komunidad ang kanilang “best public service.” Sa kanyang first flag ceremony sa Camp Crame, iginiit ni Marbil na dapat ang serbisyo publiko ng pulisya ay katumbas ng naglalakihang suweldo na natatanggap nila mula sa binabayarang buwis ng mga Pinoy. Mismooooo!

“Let us make a big diffrence in people’s lives, ‘yun lang gusto ko. Let us give them a best service,” sabi ni Marbil. Ipinaliwanag ni Marbil na dahil binabayaran ang mga pulis para sa public service, dapat lahat ng galaw nila ay ilagay sa tama. Dipugaaaaa!

“Kung ano po ang tama ito po ang susundin natin. Let us not go astray yun lang po. Pinaka-importanteng isipin nyo ang trabaho natin.. Let us make them safe sa pagtulog nila at paglabas nila ng bahay,” ani Marbil. Sanamagan!

Hehehe! Nasa tamang landas si Marbil dito ah, di ba mga kosa?

Iginiit pa ni Marbil na malaking papel ang gagampanan ng kapulisan para ipatupad ang programa ni ex-PNP chief Benjamin Acorda para ang mga Pinoy ay lubos na magtiwala sa kanilang kapulisan. Aniya, mangyayari lamang ito kapag magiging “fast and efficient” ang kanilang public service, lalo sa pagtaguyod ng peace and order saang sulok man ng Pinas. “Let us make a big difference in people’s lives. Let us give them the best service,” sabi pa ni Marbil.

Anong sey n’yo mga kosa? Sana hindi mapako ang mga pangako ni Marbil. Kailangan lang maipatupad ito at ang mga police commanders na hindi makapuntos dito ay dapat sibak agad. Ang sakit sa bangs nito!

Ipinangako rin ni Marbil na agresibo niyang itutulak ang digital transformation ng serbisyo publiko ng PNP. At ‘yan ay magaganap sa pagpatupad niya sa five-year development plan na nakasentro sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at iba pang modern technologies, kasama na ang smart policing strategies.

Kung sabagay, may basbas naman mismo ni President Bongbong Marcos ang pag-modernize ng PNP para tugunan ang lahat ng klase ng krimen sa Pinas, lalo na ang gumagamit ng social media, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

At higit sa lahat, nais din ni Marbil na tuldukan ang bumubulusok na security challenges na cybercrime, lalo na’t inireport ni Maj. Gen. Sidney Hernia, ng Anti-Cybercrime Group (ACG) na tumaas ng 21.84 percent ang mga kaso nitong first quarter ng 2024. Dipugaaaaa!

Ayon kay Hernia, nagtala sila ng 4,469 na kaso ng cybercrimes sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa 3,668 ng last quarter ng 2023. Tsk tsk tsk! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon pa kay Hernia, ang top three na cybercrimes ay ang online selling scam na may 990 kaso, na sinundan ng debit/credit card fraud na may 309 na kaso, at investment scam na may 319. Ang dahilan sa pagtaas ng tatlong kaso ay ang increased online activity, sophisticated tactics of cyber criminals at lack of awareness ng mga Pinoy.

Sinabi pa ni Hernia na ang tumataas na reliance sa online platforms para mag-shopping, financial transactions, at investment opportunities ay nag-create ng potential targets ng cybercriminals.

Hayan mga kosa! Iwas-iwas din sa mga binanggit ni Hernia na mga online transactions para hindi madagit ng mga cybercriminals ang mga pinaghirapan n’yong pitsa. Tanong-tanong din muna bago makipag-transaction sa mga damuhong scammers. Mismooooo! Hehehe! Maging mapagmasid mga kosa. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with