^

Punto Mo

Mag-asawa na malaki ang height difference, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mister at misis sa West Virginia, U.S.A. ang nakapagtala ng world record dahil sa malaking agwat ng kanilang mga height!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang mag-asawang sina Larry at Jessica McDonell ang pinaka­bagong world record holder ng titulong “Greatest Height Differential of a Married Couple (different sexes/taller woman)”.

Si Jessica ay may height na 5 feet 10 inches, samantalang si Larry na may diastrophic dwarfism ay may height na 3 feet. Mayroon silang height difference na 2 feet and 9 inches.

Sa panayam sa mag-asawa, una silang nagkakilala noong sila ay mga bata pa sa kanilang elementary school. Mas matanda ng isang taon si Larry ngunit kinailangan niyang umulit ng Grade 1 kaya naging kaklase niya si Jessica.

Hindi sila naging magka­ibigan noong mga elementary students pa lamang sila pero muling nagtagpo ang kanilang landas noong mga adults na sila. Naging roommate ni Larry ang bestfriend ni Jessica at simula noon ay naging magkaibigan na sila. Lalo pa silang naging close nang parehas silang magtrabaho sa Department of Homeland Security.

Nang maging single si Jessica, naglakas-loob si Larry na itawid ang kanilang friendship sa pagkakaroon ng romantic relationship. Nagpakasal ang dalawa noong December 2006 at sa kasalukuyan ay may apat na silang anak.

Naisipan ni Larry na mag-apply sa Guinness nang makita niya sa Facebook na mas lamang ang height difference nila ni Jessica sa kasalukuyang record holder noon na sina James and Chloe Lusted ng U.K.

Pumunta sa Italy ang mag-asawa para maging guest ng Italian TV show na “Lo Show dei Record” kung saan iginawad sa kanila ang kanilang Guinness cer­tificate.

Nais ng dalawa na ipa­kita sa buong mundo na hindi dapat tinitingnan ang height sa mag-asawa o magkarelasyon.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with