^

Punto Mo

Ang retirement date ni General Marbil!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pa nga umiinit ang puwit ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kanyang trono, ang hot topic sa ngayon sa Camp Crame ay ang kanyang retirement date. Hindi naman ginigiba si Marbil mga kosa dahil ang mga pulis mismo ay hindi magkasundo kung kailan siya magre-retire. Kaya masalimuot ang isyu ng retirement ni Marbil dahil sa PNP reorganization law.

Itong batas mga kosa ay pumasa na sa Kongreso at hinihintay na lang ang pirma ni President Bongbong Marcos para ma-implement ito. Get’s n’yo mga kosa? Kaya lang, wala pang kasiguruhan kung kailan ito pipirmahan ni BBM para maging ganap na batas. Dipugaaaaa! Kaya hindi pa malaman ng mga pulis kung kailan ang retirement ni Marbil. Mismooooo! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa prevailing law, si Marbil ay dapat magretiro sa Peb. 6, 2025 sa edad na 56, ang retirement age ng mga pulis. Subalit kapag nailatag ang PNP reorganization law, nakasaad na ang termino ng PNP chief ay magiging two years, kahit abutin pa siya ng 56 years old. Subalit may clause sa batas na ang sitting PNP chief ay hindi makikinabang sa two-years term. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya lang, kapag nakalatag na ang bagong batas, ang lahat ng pulis ay may tinatawag na “plus one” at wala pang linaw kung saklaw dito si Marbil. Kung sakop siya ng “plus one”, si Marbil ay magreretiro sa Peb. 6, 2026. Sa mga abogadong pulis diyan, ano ang interpretation n’yo sa bagong PNP law? Hehehe! Legal na ang usapan kaya bahala na kayo d’yan.

Kung magretiro man si Marbil sa Peb. 6, 2025 o 2026, nawalis na sa PNP ang mga kaklase n’ya sa PMA “Sambisig” Class ’91, maliban kay Maj. Gen. Neil Alinsangan, ang pinakabata sa klase. Kapag natuloy ang “plus one”, si Alinsangan ay magreretiro sa Set. 5, 2026.

Samantala, ang matitira na lang na PMAyers sa PNP ay sina Maj. Gen’s. Ronald Lee, Sidney Hernia, Leo “Paco” Francisco, Sidney Villaflor, Bernie Banac, at Jose Melencio “Tateng” Nartatez at Brig. Gen’s. Westrimundo Obinque at Matthew Baccay. Lahat sila ay miyembro ng PMA “Tanglaw Diwa” Class ’92, ang huling klase ng PMA sa PNP.

Subalit hindi pa nakasiguro ang Class ’92 na sa hanay nila manggagaling ang papalit kay Marbil dahil sumisinghot na sa kanila ang mga graduates ng PNP Academy. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang naman ang pagretiro ni Marbil ang pinagkaabalahan ng mga pulis sa Camp Crame kundi maging ang Marites na may nawalan ng P50 milyon sa karera sa pagka-CPNP. Grrrrrr! At may nagkamurahan pa nga! Eh di wow!

Ang ibig kayang sabihin ay may “position for sale” na rin sa PNP?  Abayyyyy dapat imbestigahan ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Kung sabagay, nakarating na ang Marites na ito kay BBM. Mismooooo! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito, di ba mga kosa?

Kung sabagay, humahabol din sa hot topic ang major revamp na isusulong ni Marbil sa darating na Mayo. Sa ngayon pa lang, maraming ugong kung sinu-sino at uupo sa mga sensitibong puwesto sa PNP at sana wala nang “position for sale.” Tsk tsk tsk!

Kaya lang umiinit na naman ang gibaan. Susmaryosep! Binabantayan din kung sino ang magiging Comptroller ng PNP, ang puwestong inalisan ni Marbil. Toss up ito kina Alinsangan na isang intelligence officer at Baccay, na dating fiscal ng PNP. And the winner is? Dipugaaaaa! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!  Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with