^

Punto Mo

Pag-awat sa nag-aaway

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAKITA ng aking lolo na may kaaway ang kanyang kaibigan. Nakita niyang may hawak na baril ang kaaway ng kaibigan. Umawat siya. Inagaw niya ang baril.  Habang nag-aagawan, pumutok ang baril. Tumama ang bala sa kaibigan na agad nitong ikinamatay.

Base sa imbestigasyon, pumutok ang baril habang nasa kamay ito ng aking lolo. Kaya siya ang itinurong nakapatay sa kaibigan. Idinemanda siya ng pamilya ng kaibigan. Para iwas-kulong, pinagbayad ng pamilya ng kanyang kaibigan, ang aking lolo nang malaking halaga. Halagang hindi kakayaning bayaran ng isang meat vendor lang.

Kaya walang choice ang aking lolo kundi magbenta ng properties. Nang mangyari ang insidente, namayapa na ang aking lola. Ang properties na ibinenta ay pamana ng aking lola sa kanyang mga anak para gamitin sa kanilang pag-aaral. Halos maubos ang properties ng pamilya ng aking ama.

Kamakailan lang, umawat sa nagrarambulang mga kabataan ang isang kakilala na nagngangalang Hero. May isinumbong ang teen-ager na sangkot sa rambulan sa kanyang ama. Sinugod ng ama, tiyuhin at dalawa pang kamag-anak si Hero at pinagbabaril. Akala ng mga ito, si Hero ang tunay na kaaway. Hindi alam na umaawat lang. Iniwan siyang nakabulagta at duguan. Kahit isa sa mga tinedyer na kanyang inawat ay walang tumulong.

Isang matanda ang tumulong at dinala si Hero sa ospital. Nabuhay naman siya. Kaya lang nanatiling nakabaon ang bala sa balikat malapit sa batok. Aalisin daw ito ng mga doktor sa tamang panahon. Ang mga salarin, ay nagtatago pa hanggang ngayon

Umawat ka kung immediate family mo lang ang sangkot. Huwag makialam sa away ng hindi mo kaanu-ano. Ang mga umaawat ay pumapagitna sa dalawang naglalabanan. Kadalasan, ang pumagitna ang nasasagasaan, Paganahin muna ang common sense, bago magpakabayani. Sa bandang huli, ikaw at ang pamilya mo ang mapeperwisyo.

“Common sense is like a deodorant. The people who need it most, never use it.”

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with