^

Punto Mo

Lt. Gen. Peralta, ­itinalagang OIC ng PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Itinalaga si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Philippine National Police epektib kahapon, ang retirement date ni outgoing PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Why o why? Imbes na mapaayos ang PNP, nag-create lang ang appointment ni Peralta nang maraming katanungan. Dipugaaaaa!

Sa halos apat na buwan na extension ni Acorda, walang maisip si President Bongbong Marcos na kapalit n’ya? O maraming nakikialam sa pagpili ng papalit kay Acorda? Bakit hindi makapili ang Palasyo ng permanent PNP chief? Tsk tsk tsk! Ganun ba kahirap ang pagtalaga ng incoming PNP chief? Hehehe! Sino kaya ang makasasagot sa mga katanungan na ito? Mismooooo!

Lumabas ang order ni Peralta after lunch kahapon. Pirmado ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ang petsa ay noong Marso 27 pa. Kaya naglagay ng OIC dahil tapos na ang termino ni Acorda kahapon at natural lang na walang turnover. Kung matuloy man ang okasyon bulas, assumption na lang ang mangyayari. At dahil, wala pang napiling kapalit kay Acorda, matic lang na si Peralta ang OIC dahil s’ya na ang next in line dahil bilang Deputy Chief for Administration, No. 2-man na s’ya sa PNP. Get’s n’yo mga kosa?

Bilang OIC limited lang ang powers ni Peralta, at halos hindi siya makagalaw tulad ng pag-reshuffle ng mga tauhan. Marami pa namang bakante o nakatiwangwang na puwesto sa PNP. Hindi na tayo lalayo mga kosa, dahil naranasan din ito ni dating PNP OIC Vic Danao na nakatali ang mga kamay. Mismooooo! Apektado ang PNP organization dito sa pagtalaga kay Peralta na OIC. Bakit hindi na lang gawing permanent si Peralta? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang ipinagtataka lang ng mga kosa ko ay bakit si Bersamin ang pumirma ng appointment ni Peralta imbes na si BBM? Hindi kaya fake news ito? Hahaha! Ang gulo n’yo? Kapag permanent kasi ang appointment ng PNP chief, lahat nang galaw ay magagawa niya, maging sa pagtanggal ng mga opisyales na may nagawang kasalanan. Sa OIC, abayyy nakatali ang dalawang kamay niya. Mahirap patakbuhin ang 232,000 rank-and-file kung wala kang mando ayon sa batas ng PNP. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung sabagay, maging si Acorda ay walang malay kung sino sa mga qualified na police officials ang papalit sa kanya. Owwwww! Ang sinisiguro lang ni Acorda ay tuloy na ang paglisan niya sa trono ng PNP.  “Tuloy na bukas,” ani Acorda. Iginiit ni Acorda na hindi siya sinabihan ng Palasyo kung sino ang mapalad na PNP official ang napiling mamuno sa PNP. Subalit, ayon sa kanya, tiyak nasabihan na ang papalit sa kanya na maghanda na para mag-takeover sa PNP leadership. Hayun lumabas ang order ni Peralta, na kaklase ni Acorda sa PMA Class ’91. Ang sakit sa bangs nito.

Maraming Marites ang kumalat kung sino ang papalit kay Acorda at tumahimik bigla matapos lumabas ang order ni ES Bersamin. ‘Yun lang pala ang makapagpahinto ng gibaan at gapangan, no mga kosa? Wala namang away ang Dipuga kay Peralta dahil tiyak qualified naman s’ya. Pero tinitiyak ng mga kosa ko na marami pa ang mangyayari sa susunod na mga araw. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with