^

Punto Mo

Lola na kayang mag-planking ng matagal na oras, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang babae sa Alberta, Canada ang nakapagtala ng bagong world record sa planking sa kabila ng kanyang edad na 58!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na ang retired school vice principal na si DonnaJean Wilde ang bagong world record holder sa titulong “Longest Time in an Abdominal Plank Position (Female). Ito ay matapos siyang makapagtala ng record time na 4 hours, 30 minutes and 11 seconds.

Naganap ang world record attempt ni Wilde sa high school kung saan siya dati nagsilbi bilang vice principal. Dumalo rito ang official adjudicator ng Guinness na si Tina Shi para bantayan ang form ni Wilde sa kanyang planking.

Sa rules na nilabas ng Guinness para ma-achieve ang world record na ito, ang bisig at daliri sa paa ni Wilde ay ang tanging bahagi ng katawan na nakalapag sa sahig. Bukod dito ang buong katawan niya ay dapat nasa tamang form at hindi maaaring dumikit sa sahig.

Nagsimulang mag-planking ni Wilde, 12 years ago nang nabalian siya ng buto sa kamay. Sa kagustuhan na makapag-workout kahit may injury, natutunan niya ang mag-planking. Ayon dito, maganda itong gawin habang nanonood ng TV. Ito rin ang kanyang workout habang nag-aaral siya ng mga readings sa kanyang masteral degree.

Habang nasa kanyang record attempt, kinuwento ni Wilde na mabilis lumipas ang dalawang oras habang siya ay naka-plank ngunit naramdaman niya ang sakit ng kanyang katawan sa hu­ling sumunod na mga oras. Ang nagbigay sa kanya ng motibasyon para huwag sumuko ay ang kanyang 12 apo na nanonood at nag-chi-cheer sa kanya.

Matapos matanggap ang kanyang Guinness certificate, nais ni Wilde na ma­ging ­inspiration siya ng ibang tao na hindi dapat maging hadlang ang edad sa lahat ng bagay lalo na sa physical challenges tulad nito.

vuukle comment

CANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with