^

Punto Mo

‘Burol’ (1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ang karanasan kong ito noong nagbabakasyon ako sa probinsiya ng aking kaibigan. Summer noon. Masarap sa probinsiya ng aking kaibigan dahil sariwang-sariwa ang ­hangin. Masarap ang mga pagkain at maraming pasyalan. Mababait din ang mga tao. Sa isang baryo nakatira ang mga magulang ng aking kaibigan.

 Ang bahay nila ay gawa sa kawayan—haligi, sahig at dingding. Ang bubong ay kugon. May hagdan na pitong baytang. May dalawang kuwarto ang bahay. Masarap matulog sa sahig na kawayan na sinapinan ng banig.

Kasama nila sa bahay ang matandang lolo na ayon sa aking kaibigan ay 90-anyos na.

Isang gabi, na mahimbing kaming natutulog, biglang nagsisigaw ang nanay ng aking kaibigan.

“Si Tatay! Si Tatay! Hindi na humihinga!’’

Ang matandang lolo ang tinutukoy nito.

(Sundan bukas)

FUNERAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with