^

Punto Mo

100 psychology skills na dapat ma-master sa buhay (Part 5)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

POSITIVE attitudes na dapat isabuhay tungo sa tagumpay at masayang buhay:

Huwag ipagsabi sa ibang tao ang mga personal na bagay tungkol sa iyo. Nangyayari ito sa kagustuhan mong makapag­yabang. Pagdating ng araw na kailangan kang kalabanin ng ibang tao, marami silang ibabala sa iyo base sa mga binuksan mong impormasyon tungkol sa iyo. Maging misteryoso ka sa ibang tao. Maging tahimik lalo na sa panahon ng tagumpay.

Huwag ikukumpara ang buhay mo sa iba.

Kung dalawang beses mo nang tinext at tinawagan pero hindi pa rin sumasagot, ihinto mo na ang pagkontak. Wala talaga siyang balak sumagot. Ibang usapan kung naniningil ka ng utang. Ipa-barangay mo kung patuloy ka pa rin iniisnab para matauhan.

Magpokus sa gusto mo at huwag sa hindi mo gusto.

Laging tingnan ang natutuhan sa naging problema mo at huwag sa kalungkutang idinulot nito sa iyo.

Gamitin ang common sense pagdating sa espiritwal na paniniwala. Huwag maging bulag na tagasunod.

Hindi lang sa success stories may natututuhan, tingnan di ang natutuhang  aral sa failure stories.

Lagi mong ipakita na masaya ka. Para maraming tao ang maakit na lumapit sa iyo. Gusto ng mga tao na sumama sa masasayang tao.

Kung nais mong pakinggan ka ng ibang tao, ang una mong dapat  sabihin kung sisimulan mo ang pakikipagkuwentuhan, “Alam ninyo, hindi ko dapat ikuwento pa ito sa inyo…”.

Ang dapat sabihin sa taong nagagalit o frustrated: “Karapatan mong madama ang nararamdaman mo ngayon”.  Iwasang magsabi ng kalma lang. Lalong magwawala ‘yan.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with