^

Punto Mo

‘Aso’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAPAG nakakarinig ako ng mga balita ukol sa kinagat ng aso o kaya’ nilapa ng ulol na aso, hindi ko maiwasang maalala ang naging karanasan noong ako ay nasa high school makaraang kagatin ng isang nagwalang aso. Nangyari ito sa aming probinsiya. Hindi ko akalain na nagiging ulol pala ang aso. Ang pagkakilala ko kasi sa aso ay mabait dahil mayroon kaming dalawang alagang aso sa bahay. Wala kaming problema sa aming alaga.

Pauwi na kami noon ng aking kapatid na babae mula sa school. First year ang aking kapatid at ako naman ay fourth year. Katanghaliang tapat noon.

Masaya kaming nagkukuwentuhan ng aking kapatid.

Sa pag-uwi sa aming bahay ay madadaanan namin­ ang public market. Nagdaan kami sa section ng kar­nehan. Nakalampas na kami sa karnehan nang makita namin ang isang aso na nasa may tabi ng basurahan at may kinakain—parang malaking buto. Ang aso ay Asong Pinoy o aspin.

Palampas na kami sa aso nang bigla nitong dalu­hungin ang aking kapatid sabay sakmal sa binti. Nagsisigaw ang aking kapatid.

Bagamat nagulat ako, nagawa kong sipain ang aso. Tinamaan sa tiyan. Lalong nagalit ang aso at ako ang hinarap. Ulol na ulol. Nakalabas ang pangil. Dinamba ako sabay kagat sa aking braso. Pinilit kong labanan ang aso sa kabila na nakagat ako. Nahawakan ko ang leeg at ubos lakas kong pinilipit. Pero malakas ang aso at nagpilit makawala. Pero hindi ko hinayaang makawala. Nagpagulung-gulong kami. Pinilit kong maihampas ang ulo sa gutter. Tumutulo ang laway ng aso at ang mga mata ay parang nagliliyab.

Nakahingi ng tulong ang aking kapatid sa mga pulis na nasa kanto at pinagtulungang hulihin ang ulol na aso.

Dinala kami sa ospital at tinurukan ng anti-rabies. Mula nun nagkaroon ako ng phobia sa aso. Tuwing makakakita ako ng aso, pakiramdam ko ay kakagatin ako.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with