^

Punto Mo

Semi-automatic rifle sa sibilyan, nakababahala

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami sa ating mga kababayan ang nababahala sa kasalukuyan, makaraang ihayag ng Philippine National Police (PNP) na pwede nang magmay-ari ng semi-automatic rifle ang mga sibilyan.

Ito raw kasi ang nakasaad sa pinalawig na implementing rules and regulations ng RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms ang Ammunition Act.

Nakatakda na itong maipatupad matapos ang publication.

O kayo ba eh pabor dito?

Huwag namang mangyari na kung dati kalat ang mga maliit na boga o armas, sakaling maipatupad ito, baka ratratan na ang mangyari.

Ang nais na malaman ng publiko, eh kung ano ang layon sa pagpayag ng PNP na magmay-ari ng semi-automatic rifles ang mga sibilyan.

Kung yun nga lang maliliit na baril na kanilang pinayagan noon, problema na baka makadagdag pa ito sa mas malaking problema.

Hindi nga ba’t kahit rehistradong maituturing eh may pagkakataon na nagagamit sa krimen.

Dumating pa ang pagkakataon na nakapagrehistro ang ilan at nang ma-expired ang kani­lang baril, hindi na uli nag-renew kaya dumami ang itinuring na loose firearms.

Mukhang ang mga may ‘salapi’ na naman ang siyang makikinabang dito.

Baka imbes na masolusyunan ang mga krimen, makadagdag pa ito sa mga lulutasin ng PNP.

Tiniyak naman ng PNP na hindi maaabuso ang pagbibigay nila ng pahintulot sa mga sibilyan na magmamay-ari ng semi automatic rifles.

May pangamba ang ilang mambabatas na baka nga maging mitsa ito sa pagtaas ng krimen at maging ng teriorismo.

Dapat masala ang papayagang magmay-ari nito,

Kailangan marahil na dumaan sa ibat-ibang  proseso lalu na ang nuero exam.

Baka ang mangyari, eh magmistulang ‘wild, wild west’ ang bansa kung dadami ang papayagang mag-armas.

Nabatid na sa  ilalim ng inamyendahang IRR ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kailangan pa ring dumaan sa mahigpit na proseso ang gun owner bago mabigyan ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF).

Bukod pa ang proseso ng pagkuha ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence kung dadalhin naman ang baril sa labas ng tahanan.

Batay sa tala ng PNP hanggang nitong Feb. 16, 2024, mayroong mahigit 703,000 ang may expired firearms registrations sa bansa. 

BARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with