3 aral sa buhay
Ang nangyayari pagkatapos manganak ang babae:
• Pagkatapos manganak, ang hormones nila ay pabagu-bago ang timpla kaya minsan basta na lang malukungkot o magsusungit nang walang dahilan.
• Ito ang tinatawag na post partum phase. Sa phase na ito nangyayari ang hindi pagkakaunawaan at umaasim ang pagsasama ng mag-asawa. Sa panahong ito kailangan ni Misis ang malalim na pang-unawa ni Mister at matinding pagmamahal. Kapag minamahal mo ang isang tao, humahaba ang iyong pasensiya.
Payo ng ama sa kanyang anak na babae na may dalawang manliligaw: 1) Lalaking mahal na mahal siya pero wala siyang gusto; 2) Lalaking mahal na mahal niya pero niligawan lang siya dahil tinukso lang ito.
• Mas mainam na piliin mong pakasalan ang lalaking nagmamahal sa iyo kaysa lalaking ikaw lang ang nagmamahal.
• Gagawin ng lalaking nagmamahal sa iyo ang lahat ng paraan para lang lumigaya ka at maging kanya ka forever. Samantalang ang lalaking ikaw lang ang may gusto ay panandalian lang ang pagmamahal na ibibigay dahil ipinilit mo ang iyong sarili sa kanya.
• Likas na sa mga babae na mabilis madebelop ang damdamin sa lalaking ginagawa ang lahat mapaligaya lang siya. Samantalang ang mga lalaki, kung sa umpisa pa lang ay wala nang gusto sa babae, iyon na talaga ang damdamin niya sa iyo hanggang sa huling sandali kahit pa anong pagsisikap mo na pagsilbihan siya.
Isa sa kanila ang dapat mong pahalagahan at huwag hayaang mawala sa iyong buhay:
• May mga taong kinakausap ka lang kapag may free time siya.
• May mga taong humahanap ng free time para makausap ka.
- Latest















