^

Punto Mo

Babae sa Uganda, 16 na oras na yumakap sa puno, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Kampala, Uganda ang nakapagtala ng world record matapos niyang yakapin ang isang puno sa loob ng 16 hours!

Niyakap ng 29 anyos na environmental acti­vist na si Faith Patricia Ariokot ang isang puno sa loob ng 16 na oras at anim na segundo..Dahil dito, siya ang pinakaunang world record holder ng titulong “Longest Time to Hug a Tree”.

Ginawa ito ni Ariokot upang magpalaganap ng awareness na kailangan natin protektahan ang mga puno. Hinihikayat din niya ang lahat na magtanim ng maraming puno sa kapaligiran.

Hindi naging madali para makuha ni Ariokot ang world record na ito. Sa una at pangalawa niyang attempt, nabigo siya dahil nasira ang ginamit niyang camera at hindi narekord ang kanyang record attempt. Bukod dito, hindi maaaring magkaroon ng breaktime si Ariokot at hindi rin siya puwedeng umupo habang niyayakap ang puno.

Matapos matanggap ang certificate mula sa Guinness, nag-aasam si Ariokot na maraming tao siyang ma-inspire na magtanim ng puno.

UGANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with