^

Punto Mo

Coffee with braised pork, bagong coffee flavor sa China!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG sikat na international coffee chain ang naglabas ng kape na may pork flavor sa China!

Paksa ng mga online debate sa Chinese social media kung masarap ba o masagwa ang tinaguriang pinaka-weird na kape ngayon sa China, ang braised pork coffee.

Tinawag na “Abundant Year Savory Latte”, ni-launch ito noong Pebrero 10 kasabay ng Chinese New Year celebration.

Mababasa sa description ng coffee chain, ang “Abundant Year Savory Latte” ay kombinasyon ng expresso shot, Dong Po pork sauce, steamed milk, at slice ng braised pork.

Ang Dongpo pork, kilala rin bilang Dongpo rou, ay traditional Chinese cuisine dish na nagmula pa noong Song Dynasty.

Ang Dongpo pork ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-braise ng pork belly sa toyo, rice wine, asukal, luya, at iba pang pampalasa. Ang mabagal na proseso ng pagluluto ay nagreresulta sa malambot, malasa, at juicy na karne.

Ayon sa coffee chain, ginawa nila ang kapeng ito para kilalanin ang traditional new year customs ng China.

Hati ang opinyon ng mga nakatikim na ng pork flavored coffee. Ilan sa mga ito ay nagustuhan ang “sweet and salty” na lasa nito. Karamihan ay hindi ito nagustuhan. Ayon sa kanila hindi nila nagustuhan na amoy karne at lasang bean curd ito.

Nagkakahalaga ng 68 Yuan (katumbas ng P528) ang isang tasa ng kape. Limited edition lamang ito at available lamang sa China sa buong buwan ng Pebrero.

vuukle comment

COFFEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with