‘Morgue’
NANGYARI ito sa isang provincial hospital noong late 80s. Niyaya ako ng aking pinsan para dalawin ang kanyang kaibigan na maysakit. Walang ibang maisama ang aking pinsan kaya ako ang pinakiusapan niya. “Sige na, Precy, sandali lang tayo,’’ sabi ng aking pinsan.
“Sige na nga.’’
Nakarating kami sa ospital. Nasa ground floor ang room ng aming dadalawin. Habang nagkukuwentuhan ang pinsan kong si Mayette sa kanyang kaibigang babae, ipinasya kong lumabas ng silid para mag-CR.
Ang CR ay nasa dulo pa ng lobby. Malabo ang ilaw sa lobby kaya nagdahan-dahan ako sa paglalakad. Pati sa loob ng CR ay malabo ang ilaw. Paglabas ko sa CR, hindi ko na matandaan kung kaliwa o kanan ang pinanggalingan ko. Naghanap ako ng pagtatanungan. Wala akong makita.
Hanggang mapasok ako sa isang nakabukas na room. Dahan-dahan ang pagpasok ko. Nang biglang magtayuan ang balahibo ko sapagkat may patay na nakahiga sa kamang bakal. Nagsisigaw ako sa takot. Nagtatakbo ako palabas. Nakasalubong ko ang lalaki at sinabing morgue ang napasukan ko. Itinuro ng lalaki ang room ng dinalaw namin.
Hindi ko malimutan ang karanasang iyon.
- Latest