^

Punto Mo

Enrile, binigyang-mukha ang mga Centenarian

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SERTIPIKADO nang sentenaryo si dating Senate President at presidential adviser Juan Ponce Enrile. Nagselebreyt siya ika-100 taon noong Pebrero 14 (Araw ng mga Puso). Sa ngayon, siya ang maituturing na pinakaprominenteng nabubuhay na centenarian. Matagal nang nagiging tampulan ng mga katuwaan at biruan ang humahaba niyang buhay na pinakamatindi marahil iyong naabutan pa umano niya ang sinaunang panahon ng mga dinosaur.

Kapos ang mga impormasyon kung paano naabot ni Enrile ang kasalukuyan niyang edad. Nananatiling tsismis lang yung nagpapa-stem cell umano siya.  Pero merong napapabalitang mga lifestyle ni Enrile na karaniwan nang makikita sa buhay ng ibang mga centenarian tulad ng pagkain ng gulay at pag-eehersisyo. Partikular na  lagi siyang kumakain halimbawa ng saluyot at madalas na naglalakad.

Mahilig siyang magbasa ng mga libro, naglalaro ng games o puzzle sa computer o tablet at smartphone at ibang aktibidad na patuloy na nagpapaliksi sa kanyang kaisipan.

Gayunman, binibigyang-mukha ni Enrile ang mga centenarian sa ating bansa. Buhay na halimbawa siya ng mga Pilipinong umaabot na sa edad na 100 taong gulang o mahigit pa. Marami na namang tao na tanggap na at handa sa maaaring mangyari kung hanggang kailan na lang sila dito sa lupa pero marami na rin namang tao na naghahangad na humaba pa ang kanilang buhay na marahil bonus na kung mapapabilang sila sa grupo ng mga sentenaryo.

Marami na rin namang mga napapabalitang mga centenarian na Pilipino bagaman wala pa sa kanila na nadedeklarang nabubuhay na  pinakamatandang tao sa mundo tulad ng mga napapasama sa Guinness Book of World Records.

Walang eksaktong bilang ng mga centenarian sa buong mundo.  Maging ang mga datos dito ng United Nations ay pabagu-bago. Tinataya nito na aabot na sa 935,000 ang mga sentenaryo ngayong taong 2024.  Dito sa ating bansa, merong mahigit 12,000 sentenaryong Pilipino hanggang noong nakaraang taon pero ito ay batay lang sa rekord ng Department of Social Welfare and Development.  Mababa ang ranggo ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa bilang ng mga centenarian.

Ano ang sekreto ng mahabang buhay ng centenarians? Tanong na ito na nananatili ring palaisipan sa siyensiya. May mga pag-aaral na nagsasabing meron itong kinalaman sa kanilang lahi o selula o immune system ng kanilang katawan.  Nariyan din halimbawa ang pagbawas sa pagkain ng mga karne, pagkain ng mas maraming gulay at prutas, pag-eehersisyo, o ng sa ibang tinatawag na lifestyle. May mga centenarian na nagsasabing lagi silang kalmado, positibo sa buhay, nakikihalubilo sa ibang tao at patuloy na nagtatrabaho hangga’t makakaya nila.

Umiinom din ba sila ng mga maintenance na gamot para sa alta presyon o diabetes? May mga centenarian na nakapirmi lang sa mga home for the aged. Ang iba, kinakalinga ng kanilang pamilya. Meron silang natatanggap na suporta kapag nagkakasakit. Paano yung mga nasa labas ng mga home for the aged at walang pamilyang titingin sa kanila at walang natatanggap na kailangang suporta? Paano lumilipas ang kanilang maghapon at magdamag?

Maaaring, sa kasalukuyan, nakakagulat, nakakamangha at nakakatuwa o maaaring nakakatawa kapag may napapabalitang mga sentenaryo pero magiging karaniwan na lang ito pagdating ng panahon na umaabot na sila sa milyun-milyong bilang!

-oooooo-

Email: [email protected]

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with