Bomb threats, diversionary tactics?
INULAN ng bomb threats ang mga opisina ng gobyerno at mga eskuwelahan, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa Central Luzon nitong Lunes. Hindi naman bago itong ganitong mga bomb threats dahil tuwing may nagbabangayan na mga pulitiko meron nito, di ba mga kosa? At nangyari ito habang umiinit ang bangayan nina President Bongbong Marcos at Tatay Digong. Dipugaaaaa! Diversionary tactics?
Sinabi ng mga kosa ko, ang mga bomb threats ay prelude sa mga kudeta, subalit iginiit ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na wala silang namonitor na ganitong kaguluhan. Mismooooo! Hehehe! May hindi makakatulog nang mahimbing kapag ganitong may mga naglilipanang bomb threats, di ba mga kosa? Ano pa nga ba?
Ang kudeta ay nagsimula noong kapanahunan ni ex-president Ferdinand Marcos Sr. dahil sa talamak na isyu ng corruption. Maging sa panahon nina democracy icon Cory Aquino at sumunod pang mga president, corruption din ang isyu ng mga kaguluhan.
May laganap kayang corruption sa liderato ni BBM kaya umuugong na naman ang kudeta? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Araguyyyyy! Kahit sino ‘ata ang iupo ng mga botante sa Palasyo ay hindi nakakaiwas sa sakit na corruption. Eh di wow! Hayyyyy! Makaaahon pa kaya ang Pinas sa malalang sakit na ito? Ang sakit sa bangs nito! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kung sabagay, mahigit 30 years nang napatalsik si Apo Ferdie sa Palasyo subalit mukhang wala namang nabago sa Pinas. Sinabi nga ni presidential sister at Sen. Imee Marcos na ang ipinarating sa kanya ng mga botante ay mukhang nabudol ang mga Pinoy nitong nagdaang election.
“Bakit akala natin mapupunta tayo sa agrikultura, akala natin public transport, akala natin dun sa infrastructure…kasi ‘yon ang may tatak Marcos eh di ba?. Bakit nauwi rito sa Cha-cha? Kaya nahihilo ang mga tao,” ang sabi ni Mam Imee. “Minsan ang tanong sa akin Mam, iba ang ibinoto natin. Bakit tayo nabudol nito,” ang dagdag pa niya. Kaya ayaw ni Mam Imee na maisantabi ang pagkakataon na malinis nila ang pangalan ng mga Marcos sa ilalim ng BBM administration. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Wala mang namonitor na kudeta ang PNP subalit paulit-ulit na nire-remind ni Acorda ang 228,000 na kapulisan na maging tapat sa kanilang tungkulin at sa Constitution. Ginawa na naman niya ito nitong Lunes kung saan kanyang pinarangalan ang 20 PNP contingent na kauuwi lang matapos madestino sa UN mission sa South Sudan. Nakatatlong tour sa UN mission si Acorda at ni-recall niya ang mga insidenteng hindi makakalimutan. Sal-it!
Aniya, habang nasa UN mission nilibang niya ang sarili sa pagbasa, lalo na ang isyung failed states. “As a I read about failed states there is one thing in common and that is the dysfunction of institutions. Ang nagdi-dysfunction niyan kapag nagiging politicized na ang security force, diyan nag uumpisa ang breakdown or failed states. That’s why I urge that we being a part of the security force, let us remain professional. Let us always uphold the rule of law at kunin natin ang tiwala ng ating mga kababayan,” sabi ni Acorda.
“Sana lahat tayo ay magkakaisa, tuloy-tuloy natin i-attain or let’s aim for the 100 percent trust at yung mga ayaw pang maniwala o ayaw tumulong sana mag-isip isip ng konti para sa ating bayan,” sabi pa ng PNP chief. Abangan!
- Latest