^

Punto Mo

Maid of Honor (30)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Lumabas sina Honorio at Rocky sa PUGAD KTV at tinungo ang katapat na KTV na ang pangalan ay KOLEHIYALA’S. Maliwanag na maliwanag ang signage ng KOLEHIYALA’S na parang bagong bukas lang dahil mga bago pa ang tarpaulin na nakakabit sa may entrance.

“Baka nandyan ang hinahanap mo Pareng Honor. Tiyak mga kolehiyala ang mga dancer diyan,’’ sabi ni Rocky.

“Sana nga Bro.’’

“Mukhang bagong open lang. Nung magpunta tayo rito noon e wala pa ito di ba?’’

“Oo. Wala akong natatandaan na may KTV dito.’’

Pumasok sila.

Sumampal sa mukha nila ang mabango at malamig na aircon.

“Sariwa pa ang hangin ah,’’ sabi ni Rocky. “Hindi pa amoy sigarilyo.’’

Kakaunti pa ang customer. Pumuwesto sila sa malapit sa stage.

“Dito tayo para ma­bistahan natin ang dancer na hinahanap mo, Honor. Pati bituka, kita natin dito, he-he!’’

“Sana makita natin.’’

Lumapit ang waiter sa kanila.

Umorder ng dalawang beer at adobong mani si Honor.

“Kaya mo pang uminom Pareng Honor? Nakaapat na tayo sa kabila ah!’’

“Isa lang, Bro.’’

“Sige. Ako rin isa lang.’’

Maya-maya, pumailanlang na ang maharot na music at nagbukas ang telon. Pumarada na ang mga “kolehiyalas”.

Hindi humihinga sina Honor at Rocky.

(Itutuloy)

vuukle comment

PUGAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with