^

Punto Mo

Maid of Honor (24)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Apat silang naghapi-hapi sa KTV Bar sa Buendia, Pasay, dalawang taon na ang nakararaan, bago magkaroon ng COVID. Sina Rocky, Leon at Chong ang mga kasamahan niya at kaibigan sa trabaho ang nagyaya sa kanya. Hindi naman siya sanay na mag-KTV. Mga tatlong beses na rin siyang nakakapanood ng mga tsikas na nagbuyangyang ng “yaman”.

Ang akala niya nung una siyang yayain nina Rocky, inuman lang at kuwentuhan ang gagawin nila. Yun pala may mga babaaing maghuhubad. Wala siyang kaalam-alam sa mga ganung panoorin. Nagulat na lang siya na nagtatanggal na ng bra at panty ang mga babae sa stage. Nung una ay hindi siya kumukurap sa pagkakatingin sa mga babaing nagsasayaw nang hubad.

Tinapik nga siya ni Rocky at pabirong sinabi, “Kumurap ka naman Honor, ha-ha-ha!’’

Ang pagpunta niya sa KTV Bar ay nilihim niya kay Bianca na noon ay siyota na niya. Ayaw niyang malaman ni Bianca dahil ang pagkakilala sa kanya ni Bianca ay walang kaalam-alam sa mga malalaswang panoorin. Malaki ang tiwala sa kanya ni Bianca na hindi manonood ng mga malalaswa. Pero ang pag-inom ng beer ay sinasabi niya kay Bianca. Wala namang tutol si Bianca sa pag-inom niya ng dalawa hanggang tatlong boteng beer.

Ikinasal sila ni Bianca at naitago niya ang lihim na nanonoood siya ng nude show sa KTV Bar kasama sina Rocky.

At dun nga sa panonood ng nude show niya nakita ang dancer na kamukha ng maid nilang si Yana—kamukhang-kamukha talaga.

Kaya naisipan niyang kontakin ang mga dating kasamahan sa opis.

Una niyang nakontak si Rocky.

(Itutuloy)

BAR

KTV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with