Sa mga lalaking naghahanap ng mapapangasawa
• Kung nais mo ay career woman para makatulong siya sa mga gastusin sa bahay: Huwag kang umasa na buong galing pa rin niyang magagampanan ang mga gawaing bahay at pag-aalaga sa iyo at sa mga magiging anak ninyo. Remember, you cannot master two things at a time.
• Kung ang pipiliin mo naman ay babaeng titigil sa pagtatrabaho kapag nagpakasal na kayo para full time siya sa pag-aasikaso ng pamilya: Kailangan mong tanggapin na wala siyang maiaambag sa iyo financially.
• Kung ang pipiliin mo ay isang submissive woman: Kailangang tanggapin mo na lagi siyang nakaasa sa iyo pati sa pagdedesisyon sa buhay.
• Kung pipiliin mo ay babaeng independent: Asahan mong malakas ang loob niya, may sariling diskarte at hindi mo basta-basta mapapasunod sa iyong gusto dahil may sarili siyang paninindigan.
• Kung gusto mo ay seksi, sosyal at mahilig mag-“derma”: Ihanda mo na ang iyong bulsa sa mga luho niya at tiyak “high maintenance” na babae ‘yan.
• Pero ang pinaka-safe na piliin ay babaeng mahal mo at tunay na nagmamahal sa iyo dahil kapag nagkakaunawaan ang dalawang puso, nagagawan ng solusyon ang “imperfections” sa pagsasama.
“Of all blessings, no gift equals the gentle, trusting love and companionship of a good woman.” – Elbert Hubbard
- Latest