^

Punto Mo

Lalaki, apat na araw ang lumipas bago nalaman na tinamaan siya ng bala sa ulo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang lalaki sa Brazil ang nakapag-party pa ng apat na araw bago natuklasang nabaril siya sa ulo!

Dumalo ng New Year’s Eve party ang college student na si Mateus Faciom sa isang beach sa Rio de Janeiro. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, naramdaman niyang may tumama sa kanyang ulo. Pansamantalang dumugo ang bahagi ng ulo kung saan ito tumama.

Ang akala niya ay bato lamang ito kaya hindi niya ito masyadong inintindi at ipinagpatuloy ang pakikipag-party. Lumangoy pa siya sa dagat, uminom ng alak hanggang umaga ng Enero 1.

Umabot pa hanggang E­nero 3 ang pagpunta niya sa iba’t ibang club para uminom at makipagkasiyahan pero nang magmamaneho na siya pabalik sa kanyang bayan sa Juiz de Fora, nakaramdam na siya ng spasm o panginginig ng kalamnan ng kanyang braso.

Sa sobrang tindi at walang tigil ng spasms, napilitan siyang ihinto ang pagmamaneho at nagpatingin sa doktor.

Sa ospital niya nalaman na may balang nakabaon sa kanyang utak. Agad isinailalim sa operasyon si Faciom para tanggalin ang bala. Naging matagumpay ang operasyon at kinailanga niyang magpagaling ng ilang araw sa ospital.

Sa kasalukuyan, iniim­bestigahan ng mga pulis kung saan nagmula ang bala.

vuukle comment

BRAZIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with