^

Punto Mo

Airplane passenger sa India, buong flight nakulong sa cr ng eroplano!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pasahero ng SpiceJet airline ang buong biyaheng nakulong sa comfort room matapos mag-malfunction ang lock ng pintuan nito

Naganap ang insidente noong Enero 17, sa flight SG-268 ng SpiceJet airlines na biyaheng Mumbai papuntang Bengaluru. Pag-take off ng eroplano, agad gumamit ng CR ang hindi pinangalanang lala­king pasahero na nakaupo sa seat 14D.

Ngunit hindi na nakalabas ang pasahero nang mag-malfunction ang lock ng pintuan nito. Ilan sa mga crew at kapwa pasahero ng eroplano ang sinubukang tumulong ngunit walang nakapagbukas nito.

Upang hindi matakot ang nakulong na pasahero, nagbi­gay ng sulat ang isa sa mga cabin crew at pinadaan ito sa ilalim ng pinto. Sa sulat, sinabihan ng cabin crew ang nakulong na pasahero na huwag mag-panic at paglapag nila sa airport ay agad tatawag ng engineer para buksan ang pinto.

Paglapag ng eroplano sa Kempegowda International Airport sa Bengaluru, pinabuksan sa engineer ang pintuan para i-rescue ang pasahero.

Naglabas ng statement ang SpiceJet tungkol sa insidente at humingi sila ng paumanhin sa pasahero. Ipinangako rin nila na ire-refund ang buong pamasahe ng pasahero.

vuukle comment

FLIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with