^

Punto Mo

EDITORYAL - Salot na smugglers ang unahing durugin

Pang-masa
EDITORYAL - Salot na smugglers ang unahing durugin

ANG makalikom nang malaking buwis ang target ni bagong Finance Secretary Ralph Recto ­ngayong 2024. Kung makakalikom nang malaki, mapalalawak ng pamahalaan ang serbisyo sa mamamayan, maraming trabaho ang malilikha at maipagpapatuloy ang pagbangon ng ekonomiya.

Si Recto ay nanumpa noong Biyernes sa Malacañang. Si Recto, dating Deputy Speaker at Batangas Representative ay itinalaga ni President Ferdinand Marcos kapalit ni dating Finance Sec. Benjamin Diokno.

Ayon kay Recto, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay may kokolektahing P3 trillion ngayong 2024, ang Bureau of Customs ay P1 trillion at ang National Treasury ay P300 billion. Ipinangako ni Recto na sisikapin niyang ang mga makokolektang buwis ay magagastos nang maayos. Bawat peso aniya ay magagamit para sa investment. Ipo-promote umano niya ang ease of paying taxes at ang pagkakaroon ng estratehiya para mapabagal ang inflation o ang pagtaas ng bilihin at serbisyo.

Wala namang binanggit si Recto kung magkakaroon ng bagong reporma sa taxes at kung ano pa ang mga dapat buwisan para makalikom pa nang mas malaki kaysa kanyang inaasahang target revenues. Hindi siya nagbanggit kung dapat pang buwisan ang alak at sigarilyo o ang tinatawag na sin taxes. Wala rin siyang binanggit kung hahabulin ang POGOs na hindi nagbabayad ng buwis. O maaaring nasa isip na ito ni Recto pero hindi pa niya isinisiwalat ang mga plano sa hinaharap at pinag-aaralan pa niyang mabuti.

Isa sa mga dapat gawin ni Recto ay atasan ang Bureau of Customs na sawatain ang talamak na smuggling. Malaki ang nawawala sa kaban ng bansa dahil sa smuggling. Halos lahat ng mga produkto ay naipapasok sa bansa at ang mga nakikinabang ay ang mga smugglers. Sa kasalukuyan, talamak ang smuggling ng agricultural products—bigas, gulay, prutas, at maski karne ng baboy at manok ay bumabaha sa bansa. Bukod sa nadadaya ang pamahalaan, nawawalan ng ikinabubuhay ang mga lokal na magsasaka.

Ayon sa isang business group, nawawalan ang pamahalaan ng P250 billion taun-taon dahil sa smuggling. Ayon sa grupo, ang talamak na smuggling ang dahilan kaya maraming lokal na produkto ang nasisira. Marami rin ang nawawalan ng trabaho at walang nakokolekta ang pamahalaan. Pawang ang nakikinabang ay ang mga salot na smugglers na nagpapalumpo naman sa ekonomiya.

Marahil alam na ni Recto ang talamak na smuggling dahil matagal na siyang mambabatas at alam ang likaw ng bituka ng mga ito. Unahin niyang durugin ang smugglers para makokolekta nang maraming buwis. Ngayon na ang tamang panahon.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with