^

Punto Mo

Katotohanan ng buhay ayon sa psychology

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
  • Iwasang mag-overshare sa social media. Malaking bagay ang pagkakaroon ng “privacy”. Mahihirapan kang siraan ng mga tao kung wala silang alam tungkol sa iyo.
  • Kapag nag-focus ka sa problema, lalo itong dadami. Ngunit kapag nag-focus ka sa solusyon, maraming oportunidad ang iyong makikita.
  • Kung sino ang naghahatid ng tsismis sa iyo, ang siya namang magtsitsismis ng buhay mo sa ibang tao.
  • Mas mareklamo ka, mas lalong dumadalas ang dating ng mga bagay na karekla-reklamo sa buhay mo.
  • Kahit gaano ka man kabait, mag-set ka ng boundaries sa ibang tao. Marami pa rin ang mapagsamantala.
  • Sumama sa mga mabubuting kaibigan. Ang ating kinabukasan ay nakasalalay sa mga taong lagi nating kasama sa tuwina.
  • Huwag hintayin ang perfect moment. Walang ganun. Ang “ideal time” ay “ngayon”.
  • Kung nakakilala ka ng mga taong mas magaling sa iyo, iwasang makipagkumpetensiya sa kanila, sa halip, work with them.
  • Dalawa lang ang dapat pagpilian: May supportive partner ka o walang partner. There is no third option.
  • Ang pinakamagandang paghihiganti ay naroon ka na sa sitwasyong masaya ka na sa kina­lalagyan mo at hindi ka na interesadong maghiganti.
  • Hindi lahat ng tao ay kagaya mong mag-isip. Ito ang tandaan kapag may nakaharap kang tao na mahilig makipagdebate tungkol sa relihiyon. Nag-uumpisa pa lang siya ng “speech”, tapusin mo ang conversation. Mabigat ‘yan sa mental health. May ugali silang hindi magpapatalo kahit sa kahuli-hulihang talsik ng laway nila.

vuukle comment

PRIVACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with