^

Punto Mo

Dating Viva Hot Babe, engaged na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dating Viva Hot Babe, engaged na!

Ang bongga naman ng dating Viva Hot Babe na si Katya Santos na sinalubong ang taong 2024 na may malaking ngiti kasama ang kanyang long-time partner na si Paolo Pilar.

Engaged na ang dating sexy actress sa kanyang karelasyon base sa kanilang mga post.

Sa Japan pa nangyari ang nasabing proposal kung saan binisita nila ang Lake Ashi na makikita ang Mt. Fuji sa kanilang background. “It all started in 2004. They say it was love at first sight, but i truly believed it was destiny! Now i understand whatever happened in the past needed to happen. The universe has its own way of bringing us back together. We still headed in the same direction,” bahagi ng caption ng dating sexy star.

“I loved you once,
”i love you still
”I always have, i always will.
”To forever, my pungay,” dagdag pa niya

Dalawang dekada na pala mula nang magka­kilala sila sa Boracay.

“I have loved you for 20 years and would continue to do so until my last breath. To forever, my Pungay!” caption naman ni Paolo kasama ang litrato ng proposal niya kay Katya.

Merong anak si Katya na si Tala sa dating mister. Makikita rin sa litrato na nag-propose rin ang non-showbiz boyfriend niya sa anak.

Samantala masaya naman ang mga kaibigan nito sa kanyang engagement gaya nina Maui Taylor, Diana Zubiri at iba pa.

vuukle comment

KATYA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with