^

Punto Mo

Kuwento kay Jiro, nagpapa-cheap sa showbiz  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kuwento kay Jiro, nagpapa-cheap sa showbiz         
Jiro

Natawa kami sa kuwento kay Jiro Manio na binenta ang kanyang best actor trophy sa vlogger na si Boss Toyo sa halagang P75K, na collector ng showbiz memorabilias.

Ito rin ‘yung bumili ng jersey na ginamit ni Francis Magalona noon sa babaeng ang claim ay naanakan ng rapper.

Hindi naman nagalit ang mga Manunuri, dahil siguro naintindihan nila na kailangan din ng pera ni Jiro at nagulat din sila na ang tropeyong kanilang ibinigay ay nabili ng ganoon kalaking halaga.

Sabi nga ng Manunuring si Butch Francisco, ang alam daw niya ay anim na libo lamang ang pagawa nila sa mga tropeyong iyon kaya baka gusto ni Toyo na makamura, ituturo niya kung sino ang gumagawa.

Pero sa totoo lang, nakakatawa ang ganitong balita, walang ka-class-class na nagpapababa ng tingin sa ibang taga-showbiz.

Cesar, binisita ang bagong bahay nila Sunshine!

Dinalaw raw ni Cesar Montano ang bagong biling bahay ni Sunshine Cruz at nagdala pa ng regalong isang painting.

Kumuha nga ng bagong bahay si Sunshine dahil sa tingin niya ngayong malalaki na ang kanyang tatlong anak na napalaki naman niya on her own, kailangan na nga nilang mag-iina ng mas malaking tahanan.

Siguro gusto ring makita ni Cesar ang bago at mas malaking tahanan na binili nito para sa mga anak niya. Simula naman nang maghiwalay sila ay hindi na niya nasustentuhan nang tama ang kanyang mga anak at ang katuwiran niya ay wala siyang trabaho dahil wala naman siyang pelikula.

At least nakita ni Cesar na maayos ang tirahan ng kanyang mga anak ngayon dahil sa pagsisikap ni Sunshine.

Aktor, nanapak ng fotog na nagvi-video nang palihim

Muntik nang masapak ng isang actor ang isang kilalang photographer. Nahuli kasi ng actor na may inilagay na video cam ang bading na fotog sa loob mismo ng dressing room ng studio kung saan siya nagbibihis. Kinuha ng actor ang camera at ibinalibag iyon sa bading na fotog na hindi na nakakibo.

Bilang pagbabayad-puri hindi na lang naningil ang bading na fotog sa pictorial na iyon at nakiusap sa actor na huwag namang ipagkalat pa ang nangyari.

Eh puwede bang hindi kumalat iyan sa rami ng mga Marites ngayon? 

Dahil din siguro sa kahihiyan, umiiwas na ang bading na fotog sa movie pictorials sa ngayon, bukod sa katotohanang may dalawa raw produksiyon ng pelikula na umabot na sa milyon ang utang sa kanya na hanggang ngayon naman ay hindi nagbabayad.

At bakit naman siya pumayag na umabot sa milyon ang utang sa kanya kasi siguro excited siyang makaboso at makapag-video ng male stars.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with