Food delivery rider sa India, napilitang gumamit ng kabayo dahil sa gas shortage!
NAG-VIRAL kamakailan ang video ng isang food delivery rider sa Hyderabad sa southern India dahil imbis na sumakay sa motorsiklo, kabayo ang ginamit nito sa pagde-deliver ng pagkain!
Nitong Enero 2, nagkaroon ng strike ang lahat ng truck drivers sa India at naging dahilan ito para magkaroon ng fuel shortage.
Dahil dito nagkaroon ng panic buying kaya dinagsa at nagkaroon nang mahabang pila ng mga motoristang gustong magpagasolina. Ayon sa mga report, inaabot ng ilang oras para lamang makapagpagasolina ng sasakyan.
Napag-alaman na ang lalaki sa video ay isang delivery rider ng Zomato, isang local food delivery app sa India. Mapapanood sa naturang viral video na ipinapaliwanag nito na tatlong oras na siyang nakapila sa gasolinahan. Imbis na magsayang ng oras sa pagpila, naisipan niya na gumamit na lang ng kabayo para makapagserbisyo na siya sa kanyang mga customers.
Matapos mag-viral ang video, samu’t sari ang naging reaksiyon ng mga Indian netizens sa food delivery rider. Karamihan sa mga ito ay nagpakita ng paghanga sa rider dahil sa kabila ng kagipitan ng sitwasyon, nakaisip ito ng paraan para makapagdeliber sa customer.
- Latest