^

Punto Mo

Manang Rose (251)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Sinabi mo ba kay Mam Norma ang balak natin tungkol kay Sir Rene at Manang Rose?’’ tanong ni Gino.

“Oo. Di ba kinausap ko siya kanina at naintindihan niya ang balak natin. Na-excite nga siya. Nakikipag-cooperate siya. Teka, ang mabuti kaya ay kausapin uli natin siya.’’

“Halika Eliz, nasa kitchen yata si Mam Norma.”

Tinungo nila ang kitchen. Busy si Mam Norma sa pagluluto katulong ang isang babae na kasing-edad din niya marahil.

“Mam Norms, malapit na po bang dumating si Sir Rene?’’

“Oo Eliz, kati-text lang sa akin. Tinanong nga kung nakakain na kayo. Parating na raw siya. Ang insruction nga sa akin ay pakainin ko na uli kayo. Nakakahiya raw dahil ang layo pa nang pinanggalingan n’yo.’’

“Naku busog pa po kami.’’

“Sabi ko nga kakakain n’yo lang.’’

“E Mam Norms, tungkol po sa pinag-usapan natin kanina tungkol kay Sir Rene at Manang Rose. Nasa salas na po si Manang at nag-iisa roon. Doon po ba natin papupuntahin si Sir Rene?’

“Oo. Iti-text ko na nasa salas kayo para dun pumunta.’’

“Ay sige po. I-text mo na po.’’

Agad tinext ni Mam Norma si Sir Rene.

Maya-maya, may sagot na.

“Oo raw Eliz. Dun siya sa salas pupunta.’’

“Ayos!’’

Nang mga sandali namang iyon ay nakadama ng antok si Manang Rose at humiga sa sopa. Napagod siya sa biyahe. At masarap umidlip pagkatapos kumain.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINO

ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with