Segunda manong flower vase na nabili ng $3.99 nagkakahalaga pala ng $107,000!
ISANG flower vase na nabili sa halagang $3.99 (katumbas ng P200) ang natuklasang rare at mamahaling artwork na nagkakahalaga ng $107,000 (P5.9 million)
Sa panayam kay Jessica Vincent, namimili siya sa Goodwill store, isang secondhand thrift shop sa Virginia USA, nang mapansin niya doon ang isang vase dahil sa kulay nitong red at seafoam green.
Ayon kay Vincent, maraming nagsasabi na may mata siya sa magagandang bagay kaya kapag may nag-stand out na bagay sa kanyang paningin kapag siya na nasa isang tindahan, agad niya itong binibili.
Member ng isang glassware Facebook page si Vincent at pinost niya roon ang litrato ng kanyang bagong biling vase. Marami sa mga member ng Facebook page ang naka-indentify dito at nagsabing gawa ito ng designer na si Carlo Scarpa para sa Italian company na Venini.
Dinala ni Vincent ang vase sa Wright auction house at doon bineripika na gawa ni Carlo Scarpa ang vase. Napag-alaman na bahagi ito ng “Pennellate” series ni Scarpa. May value ito na $50,000 pero naibenta ito sa isang subasta sa halagang $107,100.
Natutuwa si Vincent na bukod sa kumita siya sa nabili niyang vase, naibalik niya ito sa “art world” kung saan mas mabibigyang halaga ito ng mga art enthusiasts.
- Latest