^

Punto Mo

Mga pekeng gamot sa trangkaso naglipana

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKAAALARMA ang trangkaso at ubo ngayon na nauuwi sa pneumonia dahil sa pabagu-bagong klima bagama’t hindi naman ito kasing bangis ng COVID-19, delikado pa rin ito lalo na sa mga senior citizen.

Ngayon dapat maalerto ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Health (DOH) laban sa smugglers at botika na nagbebenta ng mga fake na gamot. Bukod sa napakamahal, delikado pa sa mamamayan.

Noong 2021, nakakumpiska  ang Bureau of Customs ng P80 milyon na halaga ng smuggled counterfeit medicines. Nadakma ang Pakistani na si Adel Rajput. Bahagi pa lang ‘yan!

Pangunahin sa mga pekeng gamot na nakumpiska ay Bioflu, Neozep, Ivermectin, Alaxan, Tuseran forte, Propan at Diatabs sa mga bodega sa Parañaque at Pasig City.

Nakapagtatakang nakakalusot ang ganitong gawain sa BOC at nahuhuli kapag nakalabas na. Pinagkitaan na, may accomplishment pa? Naku naman!

Ito marahil ang dahilan kung bakit matagal gumaling ang mga nagkakasakit sa mga probinsiya at liblib na barangay. Sa maliliit na botika na parukyano ng mga smugglers sila bumibili ng gamot.

Patuloy ang pagdating ng smuggled na ukay-ukay na ga­ling sa Pakistan kaya posibleng dito nila isinisingit ang mga pekeng gamot.

Sa tagal ng pagtatrabaho ni BOC Comm. Bien Rubio, imposibleng hindi niya ito makapa. Hintayin natin!

vuukle comment

PEKENG GAMOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with