Ginang na inempersonate ang kanyang anak para lihim na makapasok sa school nito ang nahaharap sa isang kaso!
Isang 32-anyos na misis sa Texas, U.S.A ang kinasuhan matapos nitong iimpersonate ang 13-anyos niyang anak para makapasok sa school nito!
Pinatawan si Casey Garcia ng parusang six months of probation dahil napatunayan itong guilty sa kasong criminal trespassing.
Noong 2021, nagsagawa ng “social experiment” si Garcia kung saan nagpanggap siya bilang kanyang 13-anyos na anak para makapasok sa school nito na San Elizario Middle School.
Ginawa ni Garcia ang “social experiment” na ito para makunan niya sa video kung gaano kahina ang seguridad ng mga public school sa U.S. at kung gaano kadali pumasok ang isang hindi awtorisadong tao rito.
Sa “social experiment” video ni Garcia na pinamagatan niyang “Why I posed as my 13-year-old daughter. A raw but real answer” mapapanood dito na nagpakulay ito ng buhok, nag-spray ng skin tanner at nagsuot ng hoodie at face mask para mag-disguise bilang kanyang anak.
Sa tulong ng disguise, madali siyang pinapasok ng security guard ng school matapos niyang ipakita ang ID ng anak. Naka-attend din siya sa lahat ng klase ng anak nang wala nangkukuwestiyon sa kanyang identity. Maliban na lamang sa ikapitong klase kung saan nakilala siya ng teacher dito.
Inupload ni Garcia ang video sa YouTube at naging viral ito sa mga taga-Texas. Matapos mag-viral, inireport siya ng school district officials sa mga awtoridad at inaresto siya noong Hunyo 4, 2021. Pati ang pagkakaaresto sa kanya ay vinideohan at inupload niya sa YouTube.
Hindi makukulong si Garcia ngunit nahaharap siya sa 6 months of probation, 100 hours community service at multa na $700.
- Latest