^

Punto Mo

Serye ng hacking, dapat matutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Alarming na ang nagaganap na hacking o data breach lalo pa nga sa ilang mga tanggapan ng pamahalaan.

Kamakailan lamang, pansamantalang ini-offline ng Kamara ang kanilang website makaraang muli itong tangkaing pasukin ng mga hackers.

Buti na lang at agad na na-detect ang kahina-hinala at hindi pangkaraniwang aktibidad sa kanilang website na ngayon nga ay patuloy na sinusuri.

Ang nakakatakot pa nga rito, gaya na nang kinatatakutan ng ilang senador, eh baka hindi maagapan at lumawak pa hanggang sa mga critical infrastructures tulad ng kuryente, tubig, komunikasyon at sa iba pang sensitibong datos ang gawing cyberattacks ng mga hackers.

Hindi nga ba’t una nang inatake ng mga hackers ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Statistics Authority (PSA), Kamara de Representante. Gayundin ang DOST at maging ang PNP.

Kung sunud-sunod na ang naitatalang cyberattacks na ito sa mga tanggapan ng pamahalaan, eh baka nga naman simula pa lang ito ng malaking problema kaya nga dapat ngayon pa lang malabanan na ito at masolusyunan.

Kailangan marahil na kumikilos na laban dito hindi lang ang government offices kundi maging ang mga critical infrastructures partikular ang mga dumidepende na sa paggamit ng internet katulad nang pagbabayad ng mga bills sa telepono at iba pang serbisyo na lahat ay interconnected na posibleng maging target din ng cyberattack.

Kung nambubulabog ang mga hacker na ito, kailangan din naman na palakasin ng mga tanggapan o kompanya ang kanilang sariling cybersecurity, maging ang cybersecurity plan.

Pondohan na kung kinakailangan, para malabanan ang ganitong mga pag-atake na baka pagsimulan pa ng mas mabigat na problema.

Babala pa nga ilang mambabatas, delikado ang hacking dahil sa isang iglap ay pupwede nitong sirain ang isang sistema o institusyon.

Kung hindi agad maaaksyunan ang problemang ito ay tiyak na mas masama at mas malala ang mga susunod na cyberattacks.

vuukle comment

HACKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with