^

Punto Mo

BBM, pinuri si RSA sa itinayong Magnolia Mega Farm!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Para makatulong sa food security ng bansa, magtatayo ng 11 Magnolia Mega Farms ang San Miguel Corporation sa iba’t ibang bahagi ng Pinas. Ang unang Mega Farm, na pinakamalaki sa Pinas, ay itinayo sa Hagonoy, Davao del Sur, na pinasinayaan ni President Bongbong Marcos kasabay ng selebrasyon ng National Livestock and Poultry month.

“You have become a reliable partner of the government through your investments in food, in beverages, infrastructure, and other sectors, which align perfectly with this administration’s socioeconomic agenda. Thank you as well for investing here in Mindanao,” ayon kay BBM, na pinuri pa si SMC president at CEO Ramon S. Ang. Hehehe! Ang Magnolia Mega-Farm is a showcase that world-class mega farms at viable sa Pinas, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang poultry farm sa Hagonoy ay may 28 world-class climate-controlled farmhouses na makapag-produce ng 80 milyon na manok. Hayan, mababawasan na rin ang presyo ng manok sa merkado kapag full blast na ang operation nitong mega farm, di ba mga kosa? Nang sa gayon ay matutugunan na ang pang-araw-araw na  pagkain ng mga Pinoy.

Ang farmhouse ay magkakaroon ng mahusay na waste management system at modenized feeding at watering systems. Gagamit din ito ng solar power energy. Ang raw materials na kailanganin ng mega farm ay manggagaling sa local na producers kaya’t panalo ang mga lokal na negosyante. Dipugaaaaa! At higit sa lahat, aabot sa 1,000 Pinoy ang magkakaroon ng trabaho dito. Hehehe!

Siguradong mataas ang kalidad ng produkto nito at lalong matutulungan ang agro industry patungo sa pag-modernize ng agriculture, di ba mga kosa? Ano pa nga ba?

Hindi lang naman si BBM ang pumuri kay RSA kundi maging si Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano na nagsabing itong mega farm projects ng SMC ay tumutulong para itaas ang kumpetisyon sa negoyso sa bansa. Itong SMC’s  Magnolia mega farm project ay isang malaking hakbangin tungo sa food security para maabot ng mga Pinoy ang presyo ng manok sa mga pamilihan sa Pinas, ani Savellanoi. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

“We proudly inaugurate our Magnolia Poultry Farm in Davao del Sur, the largest in the Philippines and the first of mega farms that we will build across the country,” ayon kay RSA sa kanyang mensahe. “This facility will enable us to contribute to the country’s food security by modernizing poultry production, supporting local communities, and promoting ethical and sustainable farming practices,” giit ni RSA. Mismooooo!

Sinabi ni Savellano na ang chicken broiler industry ang most progressive aninal enterprise sa bansa sa ngayon. At nitong nakalipas na dalawang dekada, domoble ang production nito mula halos isang million metric tons noong 2000 habang 2MMT noong 2020.

Ayon naman sa Philippine Statistics Authority, mula Abril hanggang Hunyo 2023, ang local chicken inventory ay umabot sa 200.21 na manok, na tumaas ng 2.8 percent sa 194.71 milyon noong 2022. Sa PSA inventory ang native o imported chicken ay umabot sa 43.3 percent, broiler chicken sa 34.5 percent at layer chicken sa 22.2 percent. Sinabi naman sa Roadmap mula 2014 hanggang 2019, ang Pinas ay nag-import ng maraming manok kumpara sa mga bansang Thailand, Vietnam at Malaysia.

Ang Magnolia mega-farms kaya ang sagot ng kakulangan ng supply ng manok sa bansa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

SAN MIGUEL CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with