^

Punto Mo

Lalaki sa Africa, 55 taon nang hindi lumalabas ng bahay dahil may phobia sa mga babae!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 71-anyos na lalaki sa Rwanda ang 55 taon nang nagkukulong sa kanyang bahay dahil takot itong makahalubilo o mapalapit sa babae!

Nag-viral kamakailan sa mga African netizens ang documentary ng media company na Afrimax tungkol sa kakaibang kaso ng phobia ni Callixte Nzamwita kung saan takot ito sa babae. Sa panayam kay Nzamwita, nagsimula ang takot niya sa mga babae noong siya ay 16-anyos. Sa tuwing nakakakita siya ng babae, natatakot siya na lumapit ito sa kanya at kausapin siya ng mga ito.

Dahil sa hindi maipaliwanag na takot ni Nzamwita sa mga babae, nagtayo at pinalibutan niya ng bakod na may 15 talampakan na taas ang kanyang bahay. Simula noon, mag-isa na siyang namuhay at bilang na bilang ang mga pagkakataon na lumabas siya sa kanyang tahanan.

Sa tulong ng kanyang mga kamag-anak na lalaki, hinahatiran siya ng mga ito ng makakain ngunit hindi araw-araw siyang nadadalhan ng mga ito.

Kahit kilala siya sa phobia niya sa babae, ang mga kababaihan sa kanyang lugar ang nagkakawanggawa na bigyan siya ng pagkain at iba pa niyang panganga­ilangan. Upang hindi matakot sa kanila si Nzamwita, inihahagis ng mga kapitbahay niyang babae sa bakod ang mga pagkain at damit na kanilang binibigay sa matanda. Malugod namang tinatanggap ni Nzamwita ang mga bigay sa kanya kahit alam niyang sa babae nagmula ang mga ito.

Hindi maanyayahan ng Afrimax si Nzamwita na lumabas ng kanyang bahay at magpatingin sa espes­yalista. Kahit walang official diagnosis, may hinala ang mga taga-Afrimax na maaaring may “Gynophobia” si Nzamwita, isang rare condition na may depinisyon na “morbid and irrational fear of women”.

AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with