^

Punto Mo

Libreng sakay, muling raratsada!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Magandang balita sa riding public dahil simula sa Nob­yembre­ 1, ibabalik na ng gobyerno ang libreng sakay sa bus at jeepney sa Metro Manila.

Bagama’t tatagal lamang ito hanggang sa katapusan ng Dis­yembre, aba eh malaking bagay ito sa mga commuters lalo pa nga at nagsimula na ang pagpapatupad sa P1 provisional increase sa jeepney.

May dinidinig pang mga petisyon sa taas-pasahe maging ang iba pang transport group ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at baka magkaalaman na nga rin dito, anumang araw o baka sa susunod rin na buwan.

Sinimulan ang programa sa libreng sakay noong magkaroon ng pandemya, para matulungang maibsan ang gastusin ng mga pasahero na hindi pa nakakabangon dulot ng pandemya.

Natigil ang programa sa ilalim ng Service Contracting System ng pamahalaan noong nakalipas na Enero, dahil sa usapin sa pondo.

Ngayon, muli itong ipatutupad nang ipalabas na ng Department of Transportation (DOTr)  ang P1.3 bilyon na pondo ng pamahalaan para sa pagpapatuloy ng naturang programa.

Kaya kahit pa nga sabihing tatagal lamang ito ng dalawang buwan, malaking tulong ito sa publiko lalo na nga at nalalapit na ang holiday season.

Hindi biro ang nasa 320,000 hanggang 390, 000 nakikinabang sa libreng sakay sa EDSA bus carousel pa lamang kada araw.

Hindi pa kabilang dyan ang mga makikinabang sa libreng sakay sa mga jeepney.

Sana nga ay wala nang maging hadlang at tuluyang maipatupad ang programa na yan ang inaasahan ng marami nating kababayan sa MM.

FREE RIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with