^

Punto Mo

Ang Maestra

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 1930s, may magaling na babaing guro na piniling magturo sa maliit at liblib na baryo sa isang bayan sa Quezon province. Dayo lang ang guro, na nakasanayang tawagin ng mga taga-baryo na Maestra. Ayon sa kanyang kuwento ay taga-Maynila siya pero mas pinili niyang magturo sa liblib nilang baryo dahil gusto niyang mabigyan ng magandang edukasyon ang mga kawawang bata mula sa probinsiya.

Nang panahong iyon, ang mga pampublikong eskuwelahan sa baryo ay hanggang grade 4 lang. Kailangang mag-enrol sa eskuwelahan sa bayan ang mga tutuntong sa Grade 5 at 6. Bihira noon ang guro, kaya si Maestra lang ang nagtuturo mula grade one hanggang Grade 4. Palib­hasa ay wala pang 50 ang estudyante kaya sama-sama sila sa isang malaking classroom. Dini­diskartehan na lang ng magaling na guro kung paano haharapin ang mga estudyante niya na nahahati sa Grade 1 to 4.

Nasa kalagitnaan ng school year nang mapansin ng mga magulang na may kakaibang ikinikilos ang kanilang anak. Naging matalino nga, ngunit naging matitigas ang ulo. At hindi lang iyon, may isang magulang na halos himatayin nang murahin siya ng put… ina mo ng kanyang anak matapos mapagalitan dahil sa nagpagabi ito ng uwi sa bahay. Minsan ay nakipagkuwentuhan si Inggong lasenggo sa umpukan sa tindahan: Nakita ko isang gabi sa sagingan (taniman ng saging) ang maestra na iyan at nagdadasal ng hindi ko maunawaan na mga salita.

“Naku, baka naman gustong magdasal ng maestra sa sagingan para tahimik ang paligid”

“Bakit di siya magpunta sa simbahan? Kailan pa naging altar ang sagingan?At saka bakit sa gabi siya nagdadasal? Hah, sinasabi ko sa inyo, may kinalaman ang maestrang iyan sa mga inuugali ngayon ng inyong mga anak,” sabay irap si Inggo sa mga kausap.

Nabagabag ang kalooban ng mga magulang. Napagkasunduan ng ilang ina ng mga estudyante na lihim na abangan ang paglabas ng sa bahay ng mestra pagsapit ng gabi. May masama silang kutob sa maestra ng kanilang mga anak. Pinanood nila ang pagdarasal nito sa gitna ng sagingan na tila umuusal ng mga salitang hindi nila maintindihan. Totoo ang tsismis ni Inggo. Nakita nila na umiilaw ng mapulang sinag ang mata ng maestra, at bigla itong lumingon sa kanila. Palibhasa ay marami sila at may nakahandang pamalo at itak, sa halip na matakot ay sumugod sila sa kinaroroonan ng maestra. Pero bago sila makalapit, nawalang parang bula ang kanilang susugurin.

Sinugod nila ang bahay na inuupahan ng maestra at sa kanilang paghahalungkat ng mga gamit nito ay napatunayan nilang lider ito ng kultong satanista. Ngayon lang nila naisip na kaya pala Maestra Evilia ang pangalan nito…ito ay Tinagalog na Evil. Hindi na bumalik kahit kailan ang maestra. Sa takot na baka may naiwan pang “kademonyuhan” ang satanistang guro, giniba ng taong bayan ang eskuwelahan  at sa bayan na lang pinag-aral ang mga bata.

QUEZON PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with