^

Punto Mo

Internal cleansing sa OTS, mas paigtingan pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ISA talaga sa makontrobersiyal na tanggapan itong Office of Transport Security (OTS)  sa mga paliparan.

Pinakahuling kontrobersiyang kinasangkutan  nito ay ang sinasabing ‘paglunok’ ng isang babaeng OTS personnel  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa $300 na umano’y ninakaw sa bagahe ng isang Chinese tourist.

Bagamat itinatanggi nito na pera ang kanyang isinubo kundi tsokolate, mismong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang nagkumpirma na pera ang ‘nilunok’ nito.

‘Guilty’ rin umano ito kasama ang tatlo pang kasabwat sa naturang modus, base sa isinagawang imbestigasyon.

Dahil nga sa pangyayaring ito, tuluyang nag-resign ang administrator ng OTS na si Ma. O  Aplasca.

Aba’ nga naman eh talagang  nakakahiya ang  ganitong mga pangyayari, ibat-ibang palusot at modus ang ginagawa ng mga tiwali na tauhan ng tanggapan.

Ang masaklap pa nga rito, eh paulit-ulit na lang, tila  walang takot at paiba-iba pa ang ­inihahandang mga palusot.

Nadadamay din tuloy ang mga malinis na nagseserbisyo.

Eto nga at mismong ang nagbitiw na si Aplasca ang umano’y kultura sa OTS na tila walang  napapanagot sa mga ilegal na gawain.

Kaya naman pala ang lalakas ng loob ng mga  ito, sa kabila na alam na alam naman nila na nagkalat ang CCTV sa lugar sige pa rin marahil ang nasa isip hindi naman sila madidismis.

Panahon na marahil para mapatawan din na mas mabigat na disciplinary action at paghaharap ng mabigat ng kaso laban sa mga nasasangkot sa ilega na gawain ito.

Baka kailangan ang total revamp mula sa itaas hanggang sa pinakababa para lang mawalis ang mga tiwali.

OFFICE OF TRANSPORT SECURITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with