Preso sa Russia, tumakas sa araw ng kanyang paglaya!
Isang preso sa penal colony sa Russia ang tumakas sa mismong araw ng kanyang nakatakdang paglaya.
Sa report ng Russian news agency, 22 taong nakakulong sa IK-19 penal colony si Kamoljon Kalonov sa kasong dalawang pagpatay, pagnanakaw, at pag-iingat ng baril, mga bala, at pampasabog.
Ngunit ayon sa Federal Penitentiary Service, bigla na lang hindi natagpuan si Kalonov sa bilangguan sa araw ng kanyang paglaya.
Sa press service na isinagawa ng Directorate of the Federal Penitentiary Service of Russia for the Irkutsk Region, sinabi nito na ang tatlong araw na pagkawala ng isang inmate sa IK-19 penal colony ay hindi kinokonsidera na pagtakas. Kapag lumampas na sa apat na araw at hindi pa natatagpuan si Kalonov saka siya matatawag na isang pugante.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin natatagpuan si Kalonov. Dahil dito, nahaharap na siya sa criminal punishment na aabot sa apat na taong pagkakakulong.
- Latest