^

Punto Mo

Manang Rose (156)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MGA pulis kami! May sumbong sa amin na may nang­yayari ritong kaguluhan. Sa sinumang nasa loob, magpakilala kayo at buksan ang pinto para ma­laman naming ang nangyayari,’’ sabi ng isang pulis.

Pero lumipas ang isang minuto ay walang sumasagot sa loob at wala ring nagbubukas ng pinto. Tahimik na tahimik sa loob.

Inulit ng pulis ang pakiusap. Pero wala pa ring sagot at nagbubukas ng pinto.

Nagpasya na ang mga pulis na pumasok sa bahay.

Itinulak ng pulis ang pinto. Bukas pala!

Akmang papasok ang mga pulis nang biglang may pumutok. Galing ang bala sa loob at muntik nang tamaan ang pulis na nasa may pinto.

Atras ang mga pulis. Binunot ang baril. Handang gumanti ng putok.

“Huwag kayong magpapaputok! Baka tamaan ang kapatid ko. Nasa loob ang kapatid kong babae! Parang awa n’yo na! Huwag…” sabing sumisigaw ni Eliz.

Pero hindi pa natatapos sa pagsasalita si Eliz ay mayroon uling putok na narinig at sa mga pulis ang direksiyon.

Sa isang iglap, nilusob ng mga pulis ang bahay. Mabilis ang kilos! Nasa bingit na ang kanilang buhay dahil sa gina­gawa ng nasa loob.

Ang kasunod ay ang mga putok.

Walang nagawa sina Eliz, Gino, Manang Rose, Neil at Ella kundi ang magtago para hindi tamaan ng ligaw na bala.

Iglap lang ang putukan.

(Itutuloy)

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with