^

Punto Mo

‘Plagiarism’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Nanggaya ng PhD thesis

Noong June 18, 2012, inakusahan ni Frankfurter Allgemeine Zeitung si Romanian Prime Minister Victor Ponta na kinopya nito ang kanyang 2003 PhD thesis. Sa kabuuang 307 pahina ng thesis ni Ponta, ang 85 pages ay pulos kinopya mula sa trabaho ng ibang tao nang wala man acknowledgement sa mga orihinal na awtor. Napatunayan ng National Council for Attesting Titles, Diplomas and University Certificates na totoong nagkasala ng copy and paste plagiarism si Ponta.

Ipinag-utos ng committee na bawiin sa kanya ang PhD title na ipinagkaloob ng University of Bucharest. Ngunit sa hindi maintindihang dahilan, napawalang sala si Ponta sa tulong ng kanyang Education Minister, kasunod ang pag-dissolve sa National Council for Attesting Titles, Diplomas and University Certificates.

Nanggaya ng speech

Si Owen Lippert ay speech writer ni Canada Prime Minister Stephen Harper ng Conservative Party. Isa sa kanyang duty ay magsulat ng speech para sa Prime Minister. Noong March 20, 2003 ay iginawa niya ng speech si Harper para sa nalalapit na election. Ngunit ilang linggo bago ang election, napansin ng kalabang partido, ang Liberal Party, na ang speech ni Harper ay kagayang-kagaya ng speech ni Australian Prime Minister John Howard na nag-speech sa Canberra dalawang araw bago mag-speech si Harper.

Upang mapatunayan na may panggagayang nangyari, kinuha ng Liberal Party ang video ng speech ng Australian Prime Minister at video ng speech ni Harper. Parehong ipinakita ang video ng speech ng dalawang Prime Minister at nakitang word-for-word ang ginawang pangongopya ni Lippert. Humingi ng tawad si Lippert at agad nag-resign.

vuukle comment

PLAGIARISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with