^

Punto Mo

Empleyadong ­sinuspinde, puwede bang magreklamo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May gamit po na nawala sa pinagtatrabahuhan namin. Lima po kaming pinagsususpetsahan ng may-ari at noong walang umamin ay sinuspinde po kaming lima ng limang araw. Pinabalik naman po kami sa trabaho pero gusto ko lang pong malaman kung tama po ang ginawang pagsuspinde sa amin. Ilang araw rin po ang nawala sa sahod ko dahil sa suspension na ipinataw sa akin kahit wala naman akong ginawang mali.—Teo

Dear Teo,

Kung ang pagsuspinde sa inyo ng limang araw ay isang parusa, dapat ay dumaan sa tamang proseso ang pagpapataw nito. Dapat ay napadalhan kayo ng dalawang notices: ang notice to explain upang maibigay ninyo ang inyong panig at ang notice kung saan nakasaad ang desisyon ng employer na patawan kayo ng parusa.

Kung ang pagsuspinde naman sa inyo ay hindi isang parusa at ginawa lamang habang iniimbestigahan ng employer n’yo ang nangyari, matatawag itong preventive suspension. Maari lamang magpataw ng preventive suspension kung ang patuloy na pagpasok sa trabaho ng empleyado ay maaring magdulot ng panganib sa buhay o ari-arian ng kanyang employer o ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Walang matatanggap na sahod ang empleyado sa panahong siya ay nasa ilalim ng preventive suspension ngunit maaring pagbayarin ang employer kung sakaling magkaroon ng reklamo at kalauna’y mapatunayan na invalid o illegal pala ang pagpapataw ng preventive suspension.

Kung sa tingin mo ay parusa ang ipinataw sa iyo ngunit hindi naman ito dumaan sa tamang proseso o kaya’y walang basehan ang pagsasailalim sa iyo sa preventive suspension ay maari kang magsampa ng reklamo para sa underpayment of wages and other money claims upang mabawi mo ang sahod na sana ay natanggap mo at iba pang halaga katulad ng damages o daños.

EMPLEYADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with