Manang Rose (133)
“Alam n’yo na labis akong nag-alala dahil hindi kayo nagre-reply sa text at di sumasagot sa calls ko?’’ sabi ni Eliz kina Ella at Emmie. Nakatingin lamang si Gino sa tatlo.
“Sori Ate pero talagang hindi namin alam ni Emmie kung bakit ayaw gumana ang CP. Ilang beses naming sinubukan.’’
“Hindi bale. Iparerepair ko.’’
“Salamat Ate. Teka at kukunin ko sa loob ng bahay.’’
Nagtungo si Ella sa loob. Pagbalik ay dala na ang CP at binigay kay Eliz.
“Bukas, ipare-repair ko ito at dadalhin ko agad dito—namin ni Kuya Gino n’yo.’’
Napaitingin sina Ella at Emmie kay Gino.
“Salamat Kuya at sinamahan mo si Ate,’’ sabi ni Ella.
“Walang anuman. Nagwo-worry kasi ang Ate n’yo. Ayaw kong nagwo-worry yan,’’ sabi ni Gino at tumingin kay Eliz.
Ngumiti lang si Eliz.
“Kumusta kayong dalawa?’’ tanong ni Eliz pagkaraan.
“Okey lang Ate,’’ sagot ni Ella.
“Mabuti at wala si Mama at kanyang…’’
“Oo. May pinuntahan.’’
“Saan?’’
“Hindi sinabi. Mamaya pa raw ang uwi.’’
Nag-isip si Eliz.
“Paano ang pagkain n’yo?’’ tanong nito pagkaraan.
“Bumili na kami Ate,’’ sabi ni Emmie.
Dinukot ni Eliz ang wallet niya. Kumuha ng 200 pesos.
“O, tig-100 kayo. Bukas ipare-repair ko itong CP at dadalhin agad dito. Hindi ako mapakali kapag di ko kayo nakakausap.’’
“Sige Ate.’’
“Kumusta ang studies n’yo?’’
“Mabuti Ate. Matataas ang grades naming ni Emmie.’’
“Talaga? Pagbutihan pa ninyo.’’
Maya-maya nagpaalam na sina Eliz at Gino.
(Itutuloy)
- Latest