^

Punto Mo

Kamay na bakal!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Gamitan ng kamay na bakal.

Iyan ang ginawang paghikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pairalin sa Philippine National Police (PNP) dahil umano sa sunud-sunod na namang kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga tauhan nito.

Mismong si VACC President Arsenio “Boy” Evangelista ang nananawagan sa Pangulo ukol dito.

Kung saan nga hindi maiwasang maikumpara niya ang mahigpit na pagsupil ni dating Pangulong Digong sa kapulisan.

Hindi umano maitatatwa na nagkaroon ng ‘climate of fear’ sa mga uniformed personnel.

Kung hindi man napatino ang lahat, nagkaroon ng takot.

Nabawasan ang mga scalawags at pasaway, dahil nga may paglalagyan.

Inihayag ito ng VACC, dahil na rin nga sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng ilang mga PNP personnel sa kasalukuyan.

Pinakahuli nga eh ang pagkakapatay ng anim na pulis-Navotas sa isang 17-anyos na binatilyo na si Jemboy Baltazar sa isang insidente ng mistaken identity.

Palpak ika nga, dahil may naging kakulangan at paglabag sa ipinaiiral na standard operation procedure.

Nakakaalarma ang naturang insidente kung saan napagkamalang suspect ang biktima na walang kaabug-abog eh binaril.

Ilang pulis sa Cavite rin ang nadawit naman sa pagsalakay sa bahay ng isang senior. Sapilitang niransak ang bahay na walang bitbit na search warrant, habang kamakailan din ilang pulis sa Maynila ang nadawit din sa kasong robbery/extortion nang salakayin ang isang computer shop na kanila pa umanong ninakawan.

Ang lahat ng iyan ay naging matinding batik na naman sa kapulisan.

Kaya nga giit ni Evangelista, dapat na ring magpakita ng pagkagalit ang Pangulo sa mga tiwali hindi lamang sa panig ng kapulisan, kundi maging sa mga tauhan ng gobyerno na nagpapakita ng lapses sa kanilang trabaho.

Sa isang banda, may pagtiyak naman ang pamunuan ng PNP sa patuloy na isinasagawang internal cleansing, para maalis ang mga ‘bugok’ na nagbibigay batik sa command.

Sana nga lang agad na matumbok ang mga ito, nang hindi na makapanghawa pa sa mga matitino.

Baka dumami pa ang pasaway, eh mahirap nang masolusyunan.

BAKAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with