Remedyo sa pang-araw-araw na problema
• Kapag hindi makatulog, kailangan ng magnesium. Kumain ng almonds, spinach, pumpkin seeds, mani, oatmeal (niluluto hindi instant), soymilk, lemon juice.
• Kapag nalulungkot, kailangan ang vitamin D. Kumain ng salmon, tuna, beef liver at magpaaraw lagi tuwing umaga.
• Kung walang energy, kailangan ng iron. Kumain ng lentils, spinach, laman ng karneng baka o baboy, chicken liver.
• Kung nanghihina, kailangan ng zinc. Kumain ng oyster, walnuts, pumpkin seeds, seafoods, dairy products, itlog.
• Kung feeling pagod paggising pa lang sa umaga, kailangan mo ay potassium. Kumain ng saging, avocado, pakwan, melon.
• Kung masakit ang ulo dulot ng init ng panahon, uminom ng isang basong melon juice o watermelon juice araw-araw.
• Ang pagkain ng mansanas sa umaga na wala pang laman ang tiyan ay nakatatanggal ng migraine.
• Pantanggal sa sore throat: Gumawa ng pangmumog. Paghaluin ang kalahating tasang maligamgam na tubig; kalahating kutsaritang asin at one-fourth kutsaritang turmeric powder. Pagkatapos magmumog ng mixture, huwag munang kakain sa loob ng 30 minuto upang bigyan ng pagkakataong patayin ng asin at turmeric ang bacteria sa lalamunan. Ulitin ang pagtimpla ng mixture at magmumog hangga’t may nararamdamang sakit.
• Pantanggal ng anghit: Maligo at sabunang mabuti ang kilikili. Paghaluin ang baking soda at katas ng kalamansi hanggang magmukha itong paste. Ito ang ipahid sa kilikili. Patuyuin muna ang ipinahid bago magsuot ng damit.
- Latest