^

Punto Mo

EDITORYAL - Malaya na sa utang ang mga ­magsasaka pero…

Pang-masa
EDITORYAL - Malaya na sa utang ang mga ­magsasaka peroâ¦

TINUPAD ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako niya sa mga magsasaka. Nilagdaan niya ang Republic Act 11593 (New Agrarian Emancipation Act) na nagpapatawad sa mga utang ng magsasaka. Sa ilalim ng batas ang mga hindi nabayarang amortisasyon ng mga magsasaka sa kanilang lupa ay hindi na sisingilin. Nasa 600,000 agrarian reform beneficiaries ang nakinabang sa batas. Umaabot sa P57.56 bilyon ang hindi nabayarang amortisasyon ng mga magsasaka. Ang mga benepisyaryo ay obligadong bayaran ang lupang ipinagkaloob sa kanila sa loob ng 30 taon na may 6 percent interest. Subalit marami sa mga magsasaka ang hindi makabayad at nalubog pa sa utang.

Sabi ni Marcos makaraang lagdaan ang RA 11593, hindi niya nalilimutan ang mga ipinangako niya sa mga magsasaka na inihayag sa una niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2022. Sa SONA ni Marcos, sinabi niyang tutuloy-tuloy ang Agrarian Reform Program. Hindi lamang umano ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang walang lupa ang isasagawa ng kanyang administrasyon kundi pati ang pagpapalaya sa pagkakautang ng mga ito. Dahil aniya sa mga utang ng mga magsasaka kaya hindi sila ganap na makapagmay-ari ng lupa. Ngayong pag-aari na nila ang lupa at wala nang utang, makakaahon na sila.

Noon pa, lubog na sa utang ang mga magsasaka. Halos wala rin silang kitain pagkatapos ng anihan sapagkat naubos lang sa fertilizer, pesticides at binhi. Ngayong wala na silang iisiping bayarin sa pag-aaring lupa, makapagpopokus na sila sa pagtatanim.

Sa ginawa ni Marcos na pagpapalaya sa utang, hindi naman dapat matigil dito ang lahat. Nararapat din namang ipagpatuloy ang pagtulong o pagtuturo kung paano mapaparami ang ani sa pamamagitan ng mga bagong pamamaraan sa pagsasaka. Sa kasalukuyan, lumang paraan pa ang ginagamit ng mga magsasaka kaya maliit ang kanilang inaani. Turuan ng bagong teknik sa pagsasaka gaya ng ginagawa sa Thailand, Vietnam at Japan. Pagkalooban ng mga binhi at pataba ang mga magsasaka.

Tuparin din ang pinangakong farm-to-market road para mailuwas sa pamilihan ang mga ani ng magsasaka. Kapag natulungan nang lubos-lubos ang mga magsasaka, tiyak na darami ang ani at hindi na aangkat ng bigas sa mga darating na panahon.

MAGSASAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with