^

Punto Mo

EDITORYAL - Tutulan kahilingan ng US sa Afghan ‘refugees’

Pang-masa
EDITORYAL - Tutulan kahilingan ng US sa Afghan ‘refugees’

SA Hulyo 15 pa magpapasya ang Pilipinas kung pag­­bibigyan ang kahilingan ng United States na pasi­lungin sa bansa ang 50,000 Afghans. Dapat tanggihan ng Pilipinas ang kahilingan. Unang-una, hindi naman talaga mga refugees ang Afghans na ipinakikiusap ng U.S. na dito pasilungin. Sila ay mga dating emple­yado ng U.S. facilities sa Kabul, Afghanistan. Nang bumagsak ang Afghanistan sa Taliban rebels noong 2021, ang mga empleyado kasama ang kanilang pa­milya na gustong tumakas sa nasabing bansa ay kinup­kop ng U.S. at pagkakalooban ng special visa para makapanirahan sa alinmang estado ng U.S.

Habang pinuproseso ang pagbibigay ng visa, hiniling ni U.S. President Joe Biden sa Pilipinas na kung maaari, dito sa Pilipinas mag-shelter pansamantala ang Afghans. Sasagutin daw ng U.S. ang lahat ng gastos habang narito ang Afghans. Pananagutan din daw ng U.S. ang mga maaaring mangyari habang narito ang Afghans.

May mga sumang-ayon at hindi sa kahilingan ng U.S. Sabi ni Presidential Counsel Juan Ponce Enrile­, wala raw masama kung patuluyin ang Afghans. Ga­nito rin ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, pabor siyang maging host ang Pilipinas sa Afghan refugees.

Tutol naman si Vice President Sara Duterte at Senator Imee Marcos sapagkat banta sa seguridad ng bansa kung dito patitirahin ang Afghans. Isa pa, marami nang problema ang bansa at hindi na dapat dagdagan pa.

Sabi naman ni President Ferdinand Marcos Jr. na wala pang ipinangangako ang Pilipinas sa U.S, sa kahilingan nito na tanggapin sa bansa ang Afghan nationals. Wala raw binibitiwang commitment ang bansa sa U.S. kaugnay sa isyu ng Afghans. Pinag-aaralan daw itong mabuti at may posibilidad na i-reject ang kahilingan. Isinasaalang-alang daw ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino.

Hindi naman talaga nararapat na dito sa Pilipinas iproseso ng U.S. ang mga papeles ng Afghan nationals. Bakit hindi sa teritoryo nila gawin? Bakit dito ang napili nila? Dahil wala silang pakialam sa buhay ng mga Pilipino kapag nagkaroon ng mga pambobomba­. Madaling makakapasok ang suicide bombers kapag ginusto nilang gantihan ang U.S. at Afghans. Mada­damay pa ang mga Pilipino kapag ipinilit ang kagus­tuhan. Magpasya na ang pamahalaan habang maaga. Tanggihan ang kahilingan.

REFUGEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with