^

Punto Mo

Singer, niregaluhan ng abo ng patay habang kumakanta sa entablado!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Nagulantang ang Hollywood pop singer na si Pink matapos siyang batuhin ng abo ng patay habang siya’y nagko-concert sa London!

Habang pine-perform ni Pink ang kantang “Just Like A Pill”, may isang fan na nagbato ng maliit na puting plastic bag sa stage. Pansamantalang itinigil ni Pink ang pagkanta at pinulot ang puting plastic bag. Ininspeksiyon niya at nang mapansin niya na tila ito’y cremated ashes, agad niyang tinanong ang fan ng: “Is this your mom?”

Nang kinumpirma ng fan na cremated ashes nga ito ng kanyang ina, hindi makapaniwala ang singer at nagsalita na lang ito ng: “I don’t know how I feel about this.”

Pansamantalang hi­nawakan ni Pink ang plastic bag at iniwan din niya ito sa harap ng stage at ipunagpatuloy ang pagkanta. Ipinost ni Pink sa kanyang Instagram ang mga video ng kanyang concert sa London at mababasa sa caption nito na nagpapasalamat siya sa mga fans. Pero hindi niya sinama ang viral footage kung saan siya niregaluhan ng abo ng patay.

Maraming netizens ang bumatikos sa fan na nagbigay ng abo ng patay. Para sa kanila isa itong kabastusan at hindi dapat ginagawa sa isang concert. Hindi ito ang unang beses ngayong mga nakaraang linggo kung saan binabastos ang mga Hollywood singers habang nasa kanilang concert.

Noong nakaraang linggo, sinampal si Ava Max ng isang audience sa kanyang concert at noong nakaraang buwan, binato ng cell phone si Bebe Rexha ng isang fan habang kumakanta.

vuukle comment

LONDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with