^

Punto Mo

Tagagising  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG sampung taong gulang na si Tess ay may ugaling gumigising nang ilang beses sa madaling araw upang umihi. Parang orasan ang kanyang pantog. Una siyang nagigising ng alas-dose, sunod ay alas-tres at saka alas-singko ng umaga. Kung may difference ang kanyang paggising, iyon ay hindi lalampas sa kinse minuto. Ang tatay niya ay pulis. Isang beses kada buwan ay may duty ang kanyang ama na maging guard sa municipal jail mula 1:00 a.m. to 4:00 a.m. Mahigpit kapag naka-assign sa municipal jail. May penalty kapag naatraso ng dating. Per minute na late ang bawas sa suweldo. Kapag ganoon ang iskedyul ng kanyang ama, siya ang inaasahang tagagising dito. Parehong mantikang matulog ang kanyang ama at ina kaya siya ang pinakikiusapang maging tagagising. Isa pa, nag-iisa lang siyang anak kaya siya lang ang puwedeng utusan.

Isang gabi bago matulog si Tess, nakaramdam siya na tila lalagnatin siya. Masakit ang kanyang ulo at kasu-kasuan. Nagkataong 1:00 to 4:00 a.m. ang duty ng kanyang ama. May pinuntahang lamay ng patay sa kapitbahay ang kanyang ama at ina at natitiyak niyang “late” na ang mga ito darating. Kaya naisip niyang magdikit ng note sa pintuan ng bedroom ng mga magulang: I’m not feeling well. Sorry, hindi kita magigising mamaya Daddy.

Kinaumagahan, nagulat ang ina ni Tess nang tanghali na ay hindi pa ito lumalabas ng kanyang kuwarto.

“Tess, gising na. Late ka na sa school!”

Bahagyang iminulat ni Tess ang mata. “Mommy, masama ang pakiramdam ko. Tuluy-tuloy ang tulog ko kaya di ko nagising si Daddy. Na-late ba siya? Nabasa n’yo ba ang note ko sa inyong pintuan?”

“Wala kaming nakitang note. Teka…teka… kung hindi ikaw, sino ang gumising sa Daddy mo kagabi?”

Nagkibit balikat lang si Tess at ipinagpatuloy ang pagtulog. Maya-maya ay dumating ang daddy ni Tess. Tinanong ito ng asawa.

“Ano ang suot ni Tess nang gisingin ka niya kagabi?”

“Nakapulang bestida.”

“Hindi si Tess ang gumising sa iyo. Naka-dilaw siyang pajama ngayon. Nilalagnat siya simula pa kagabi kaya hindi nakabangon para gisingin ka.”

Saglit na nagkatitigan ang mag-asawa. Duet pa nang magsalita. “Bumalik tayo sa burol ni Camille.” Gusto nilang matiyak kung ano ang suot na damit ng batang si Camille sa loob ng ataul. Hindi nila iyon napansin kagabi. Namatay ang inaanak nila sa binyag sa edad na 10 taon dulot ng dengue. Pasimpleng lumapit ang mag-asawa sa kabaong. Nakapulang bestida si Camille. At biglang naalaala ng Daddy ni Tess ang sinabi ng “batang” gumising sa kanya kagabi: “Ninong, gising.” Sabay hipo sa kanyang paa. Iba si Tess kapag nanggigising: “Daddy, wake up” sabay hawak sa kanyang mukha na bahagyang niyuyugyog.

Bago kasi sila umalis noong gabi sa lamay, lumapit silang mag-asawa sa kabaong at nagpaalam kay Camille: “Inaanak, uuwi na kami. Hindi puwedeng magpuyat ang ninong mo. May duty pa siya mamayang ala-una.”        

MADALING ARAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with