^

Punto Mo

Manang Rose (64)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Pero nangako siya kay Eliz na hindi sasabihin kay Manang ang gagawin sana kanina na pagpunta sa bahay nila para kausapin ang mama nito. Naisip ni Gino, hindi naman siguro magagalit si Manang sa ginawa niyang paglilihim o hindi pagsasabi ng totoo. At nangako naman sa kanya si Eliz na hindi na uulitin ang balak na pakikipag-usap sa ina nito.

Naipangako naman ni Gino na lagi na niyang sasabayan sa pag-uwi si Eliz. Kawawa naman ito na apektado sa problema­ ng pamilya. Baka maapektuhan ang pag-aaral ni Eliz dahil sa problema sa mama nito.

Samantala, napuna na rin ni Lut si Eliz na laging walang kibo at nag-iisip. Hindi naman ganito si Eliz at katunayan ay masayahin ito at palakuwento. Mula nang magkasama sila sa kuwarto ay ngayon lang naging malungkutin si Eliz.

Hindi na nakatiis si Lut nang makitang wala na namang kibo si Eliz. Nasa study table ito pero hindi naman nag-aaral kundi nakatitig sa kawalan.

“May problema ka Eliz?’’ tanong ni Lut habang nakaupo sa kama.

Hindi siya pinansin ni Eliz.

Hindi yata siya narinig.

“Eliz!’’

Saka lamang tuminag si Eliz. Tumingin kay Lut.

“Ilang araw na kitang napapansin­ na walang kibo. May problema ka, Eliz?’’

Umiling si Eliz.

“E bakit ganyan ka? Hindi ka naman ganyan.’’

Nanatiling nakatitig sa kawalan si Eliz.

“Di ba ang sabi sa atin ni Manang, i-share ang problema sa bawat isa para mapaluwag ang dibdib. Naalala mo ba yun? Di ba ako rin nagsabi na sa’yo ng mga nangyari sa akin? Sabihin mo rin sa akin ang problema mo. Sige na Eliz.’’

Hanggang sa may luhang sumungaw sa mga mata ni Eliz. Naglandas sa mga pisngi nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINO

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with