^

Punto Mo

Promotion na walang kasamang dagdag sa suweldo, puwede bang tanggihan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ba akong tumanggi sa promotion raw na iniaalok sa akin kung wala namang magiging dagdag sa sasahurin ko?—Rommel

Dear Rommel,

May  karapatan ang empleyado na tumanggi kung ayaw niyang ma-promote mula sa kanyang kasalukuyang posisyon pero dapat ay malinaw muna kung promotion nga ba ang iniaalok sa iyo.

Ang promotion, ayon sa Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. v. Del Villar (G.R. No. 163091, 6 October 2010), ay ang pagsulong papunta sa isang panibagong posisyon na may mas malawak na mga responsibilidad at tungkulin kaysa sa dati.

Ayon din sa kaso ng NAFLU vs. NLRC (G.R. No. 90739, 3 October 1991), hindi kaila­ngang may kasamang pagtaas sa sahod ang promotion; ang mahalaga ay ang mga pagbabago sa tungkulin ng empleyado.

Kaya kailangan siguraduhin mo munang promotion nga ang iniialok sa iyo bago mo ito tanggihan. Kung wala namang pagbabago sa iyong mga tungkulin at pangalan lamang ng posisyon ng naiba ay maaring sabihin na pangkaraniwang transfer lamang at hindi promosyon ang kinakaharap mo.

Kung transfer lamang kasi ang iniaalok sa iyo at tinanggihan mo ito ay maari itong matawag na insubordination na puwedeng ikatanggal sa trabaho ng isang empleyado.

vuukle comment

ROMMEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with